Julie Anne San Jose on being given her first major role for a primetime teleserye: “First time ko kasing magpa-primetime. So talagang… masaya. Ang sarap ng feeling. At saka sobrang excited din po ako. Kasi after ng story con, alam ko na yung story. And… challenging din po yung role. Kasi, parang ang ginagawa ko lang lagi po dati di ba… light drama lang? E ito, may pagka-musical siya. At saka medyo drama talaga. And I’m really really excited kasi nga po, makakatrabaho ko yung ibang mga veteran actors. Like halimbawa si Ms. Eula Valdez. Maraming magagaling na artistang susuporta sa amin. Yung mga tutulong sa amin. Para magawa nang maayos yung characters namin, yung roles namin at yung mga eksena.”

Photo: Noel Orsal

Kasado na ang bagong primetime series ng GMA-7 na pagbibidahan ni Julie Ann San Jose. Ginanap nga ang story conference para rito last Saturday, September 7, sa new building ng Kapuso network compound.

“Actually sobrang blessed ang pakiramdam ko. I’m thankful kasi first time na mabigyan ako ng opportunity na magbida sa pang-primetime,” masayang pahayag ni Julie Anne sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang TV crew na naroon.

“First time ko kasing magpa-primetime. So talagang… masaya. Ang sarap ng feeling.

“At saka sobrang excited din po ako. Kasi after ng story con, alam ko na yung story. And… challenging din po yung role.

“Kasi, parang ang ginagawa ko lang lagi po dati di ba… light drama lang?

“E ito, may pagka-musical siya. At saka medyo drama talaga.

“And I’m really really excited kasi nga po, makakatrabaho ko yung ibang mga veteran actors. Like halimbawa si Ms. Eula Valdes.

“Maraming magagaling na artistang susuporta sa amin. Yung mga tutulong sa amin. Para magawa nang maayos yung characters namin, yung roles namin at yung mga eksena.”

Nasorpresa nga raw si Julie Anne nang abisuhan siya tungkol sa bagong project niyang ito sa GMA.

“Supposed to be po kasi, nasa Dormitoryo ako,” pagtukoy niya sa isa pang bagong suspense series naman ng Kapuso network.

“Pero ano po… I was told na hindi na raw ako kasali ro’n. And… siguro blessing in disguise na rin po iyon.

“Na kahit natanggal ako sa Dormitoryo, dito naman po ako napunta sa Kahit Saan Ka Man. So ano po… sobrang blessed po ako.

“Although sayang din yung Dormitoryo. Kasi maganda rin daw yung story no’n. Dahil thriller nga siya.”

PAIRED WITH KRISTOFFER MARTIN. Sa mga sumailalim sa isinagawang screen test, si Kristoffer Martin ang napiling gumanap bilang kapareha niya. Hindi kaya mag-react negatively ang mga JuliElmo fans na tagasuporta ng loveteam nila dati ni Elmo Magalona?