Kristoffer Martin on KrisLie, the newly-formed fan club of his loveteam with Julie Anne San Jose: “Oo nga! Nagulat ako, e. Nagulat ako, ha! Meron nang KrisLie fans! Do'n sa Twitter, ha! Nung tiningnan ko, ilang oras pa lang within the day, meron na kaagad mahigit 600 followers. So nagulat ako. At the same time, natuwa ako. Kasi… kahit papa'no may mga sumusuporta na sa una pa lang.”

Photo: Noel Orsal

Matapos mag-story conference para sa bagong primetime series ng GMA-7 na Kahit Saan Ka Man, excited na ang leading man ni Julie Anne San Jose dito na si Kristoffer Martin para sa pagsisimula ng taping nila. Hindi nga raw niya akalaing siya pala ang bagong makaka-loveteam ng singer-actress.

“Natutuwa ako kasi sunud-sunod ang project para sa akin, e,” masiglang bungad ni Kristoffer nang makakuwentuhan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa Sunday All Stars (SAS) kaninang hapon, Linggo, September 8.

“From Luna Blanca, tapos Pahiram Ng Sandali, and then Kakambal Ni Eliana, at ngayon nga ay itong Kahit Saan Ka Man.

“Sobrang nararamdaman ko yung blessing ni Lord sa akin every day, every night… lagi.

“So, sobrang nagpapasalamat talaga ako sa Kanya.

“Nung katatapos pa lang ng Kakambal Ni Eliana, wala pa akong alam. Hindi ko pa alam kung ano ang kasunod na soap na gagawin ko.

“Tapos parang may sinabi nung handler ko na… 'attend ka sa screen test na ‘to.'

“So, um-attend ako ng screen test. Tapos two days after, sinabi… nakuha ko na yung role.

“Hindi agad ako naniwala. Akala ko niloloko lang ako ng handler ko. E… confirmed nga pala talaga.

“Hanggang ngayon, hindi pa rin nagsi-sink in sa akin yung project, e. Hanggang nag-story conference na nga kami nitong Saturday [September 7].

“And… ang ganda ng story. Sobrang kakaiba. At bago rin sa akin. Bilang ako na bagong artista na gumawa ng ganitong klaseng soap.

“Kasi musical, e. So… kakanta-kanta. Iba-ibang tira na naman ng arte. Excited ako para sa project na ito.”

DRAMA MUSICAL. Unang beses pa lang siya masasabak sa isang serye na drama nga pero may halong musical. Masusubok ngayon ang talent din niya sa pagkanta. Paano siya naghahanda para rito?

“Sa banyo, kumakanta ako. Habang naliligo!” natawang biro ni Kristoffer.