Derek Ramsay is not bothered about getting less exposure. He said, “That’s not naman what I’m looking for. I’m not looking for an exposure, I’m working. My job is to portray characters, to give back to my network.”

Photo: Nerisa Almo

Sa mahigit isang taong pagiging Kapatid ni Derek Ramsay, lubos pa raw sa ipinangako ang naibigay ng TV5 sa kanya.

“They have fulfilled all their promises. They even surpassed that,” sabi ng aktor nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media sa press conference para sa promo ng iniendorso niyang Dunkin' Donuts kahapon, September 26.

Inumpisahan ni Derek ang kanyang trabaho sa TV5 bilang official correspondent sa 2012 Olympics.

Kasunod nito, naging host siya ng local franchise ng U.S. reality adventure show na The Amazing Race.

Pagkatapos mag-host, balik sa pag-arte si Derek sa pamamagitan ng superhero series na Kidlat at action-serye na Undercover.

Ngayon naman ay nagsisimula na siyang gawin ang susunod niyang TV series, ang Love or Money, kung saan makakasama niya sina Alice Dixson at Ritz Azul.

Simula na rin ang trabaho niya para sa isa pang heavy drama film, kung saan kasama naman niya sina Angel Aquino, Mylene Dizon, at Yul Servo. 

Ayon kay Derek, “You know, I’m working hard. I’m working very hard.

“They’re making me work hard, and I want that.

“I don’t want to just sit here and get paid.”

Para sa aktor, isang paraan daw ito upang matulungan ang kanyang mother network.

“I want to give back to my major network,” sabi niya.

“One of the reasons why is because I wanted to help, I want them to grow, and I want them to reach what the other networks have reached.

“At the end of the day, pera, madali lang ‘yan.

“Madali lang kumita ng pera, but to have your name mean something, that’s hard.