Nagpaalam na sina Charlene Gonzalez-Muhlach at Toni Gonzaga bilang co-hosts ng The Buzz nuong Linggo, October 13. Simula sa October 20 ay magiging Buzz Ng Bayan na ang titulo ng Sunday showbiz talk show ng ABS-CBN, kung saan ang makakasama na ni Boy Abunda ay sina Janice de Belen at Carmina Villarroel.

Photo: Instagram

Kumpirmado nang hindi makakasama sina Charlene Gonzalez-Muhlach at Toni Gonzaga sa reformatted showbiz-oriented talk show ng ABS-CBN, ang Buzz Ng Bayan, na papalit sa The Buzz simula sa October 20.

Sina Janice de Belen at Carmina Villarroel ang papalit kina Charlene at Toni. Galing sina Janice at Carmina sa defunct Saturday showbiz talk show na Showbiz Inside Report.

Matapos ang pamamaalam ng dalawa sa The Buzz nuong Linggo, October 13, sunud-sunod ang naging posts ni Charlene sa kanyang Instagram account (@itsmecharleneg) ng pasasalamat.

Una na rito ang larawan ng set ng The Buzz na may tanging caption na: “Salamat.”

Sinundan niya ito ng larawan ng buong staff and crew, pati na ang kanyang mga co-host sa show, na may mensaheng: “My Buzz Family…Will Miss You. Thank you for the wonderful journey. Love ya. see you soon.”

Marami pang posts si Charlene tungkol sa memorable moments niya sa show, kabilang na ang kanyang last interview sa show with Miss World 2013 Megan Young.

Nag-post din si Charlene ng kanyang mga larawan noong birthday special sa show, kasama ang mga anak at asawang si Aga Muhlach.

Kasunod nito ang post niya ng litrato nila ni Toni, kung saan inihayag niya ang kanyang pagmamahal sa co-host.

Ani Charlene, “My soul sister.. One of the best gifts I received from the buzz.. Is my friendship with@celestinegonzaga 😃. I will absolutely miss seeing you every Sunday.. You have a golden heart.. One of the most talented, sincere and kindest people I know.. You deserve all the blessing and more.. And I will forever be your ate.. Looking forward to working with you again 😃 Love you@celestinegonzaga... And thank you for the lifelong friendship.. Proud of you.. 💛😇 god bless you and your journey always 💛😇 -ate cha 😃”



TONI GONZAGA. Sa Instagram account naman ni Toni, nag-post siya ng family picture nila ng mga kasamahan sa show na may caption na “Thank you Buzz family.”

Kasunod na post ni Toni ay ang larawan nilang tatlo nina Boy at Charlene sa opening ng show kahapon. Nakalagay dito ang mga salitang, “I will never forget…”

Ang original format ng The Buzz ay nagsimula noong 1999, at tumagal ng labing-apat na taon. Ang iba pang naging hosts ng programa ay sina Kris Aquino, Cristy Fermin, Ruffa Gutierrez, at KC Concepcion.