PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Kim Chiu suffers nose injury after minor car accident

Kris Aquino jokes about Kim Chiu's car accident: “Ilabas mo na yung X-ray na ginawa sa ‘yo doon para, once and for all, matigil lahat ng tsi
by Arniel C. Serato
Published Apr 23, 2014
Wala na raw dapat ipag-alala pa ang mga tagahanga ni Kim Chiu sa sinapit nitong aksidente sa loob ng kanyang sasakyan kaninang umaga, April 23. Nakabalik na sa taping ang Kapamilya actress matapos itong magpagamot at magpa-X-ray.

Nagtamo ng minor injury ang Kapamilya actress na si Kim Chiu sa kanyang ilong matapos ang isang minor car accident.

Bandang alas-siete ng umaga nangyari ang aksidente ngayong araw, April 23, habang bumibiyahe si Kim papunta sa taping ng Ikaw Lamang sa may Commonwealth, Quezon City.

Ayon sa salaysay ng malapit na kaibigan ni Kim na si Kris Aquino sa Aquino and Abunda Tonight ngayong gabi, nakahiga raw si Kim sa may bandang gitna ng kanyang van nang biglang nagpreno ang driver nito dahil may iniiwasang "tricycle o jeepney."

Hindi raw maalala nang maigi ni Kris ang buong detalye ng pagpapalitan nila ng mensahe ni Kim sa text.

Dagdag pang kuwento ng Queen of All Media, base sa kanyang naaalala, tumilapon daw si Kim sa may bandang harapan ng sasakyan.

Natakot daw si Kim dahil nakarinig ito ng “crack.”

Pero matapos sumailalim sa X-ray ang aktres, napag-alamang hindi naman ganun kagrabe ang natamong sugat nito sa ilong, ngunit grabe raw ang dugong dumaloy mula rito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nag-post naman sa Instagram ang handler ni Kim sa Star Magic, na si Portia Dimla, ng larawan ng aktres upang i-update ang mga tagahanga nito.

May caption itong: “Still waiting for result... She's okay. Dont worry kimi.”


BACK TO WORK AFTER CHECK-UP. Iba naman ang balitang nasagap ng co-host ni Kris sa Aquino & Abunda Tonight na si Boy Abunda mula sa social media tungkol sa nangyari kay Kim.

Ayon kay Boy, sa pagkakaalam niya ay tumama raw ang ilong ni Kim sa sugar cane o tubo habang nagte-taping ng ABS-CBN primetime series na Ikaw Lamang.

Dahil dito ay binalikan ni Kris ang text messages sa kanya ni Kim.

Sabi ni Kim kay Kris: “Yes, Ate, natutulog ako sa back, 'tapos nag-break bigla yung driver kasi may tumawid na jeepney, 'tapos tumama yung nose ko sa bakal, yung support sa table sa likod.

"Wala kasi yung table dun nung time na yun, but yung bakal support was there."

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Sabi naman ni Kris, “Sorry, mali pala ang pagkaintindi ko. It wasn’t the chair, it was the bakal that you put the table on top, dun tumama.”

Mensahe pa ni Kim: “Dumiretso yung nose ko pag-break sa bakal, 'tapos nag-bleed, super. 'Tapos nakarinig ako ng crack kaya, ayun, natakot na ako.”

Pabirong payo naman ni Kris kay Kim: “Kimmy, kung ako’y ikaw, ilabas mo na yung X-ray na ginawa sa ‘yo doon para, once and for all, matigil lahat ng tsismis na niretoke ang ilong mo, because sa X-ray lalabas.”

Sabi naman daw ni Kim: “Tama, Ate.”

Matapos daw nito, kaagad na bumalik ng taping si Kim.

Makikita naman sa isang post sa Twitter ng account ng Faces & Curves ang mukha ni Kim kung saan may maliit itong medical tape sa ilong:

She a real trooper .. Shes back to work now .. Thanks God 🙏🙏 #isabellethegreat @prinsesachinita pic.twitter.com/ALOgMjNXrg

— Faces & Curves (@FacesAndCurves_) April 23, 2014
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Wala na raw dapat ipag-alala pa ang mga tagahanga ni Kim Chiu sa sinapit nitong aksidente sa loob ng kanyang sasakyan kaninang umaga, April 23. Nakabalik na sa taping ang Kapamilya actress matapos itong magpagamot at magpa-X-ray.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results