PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Tom Rodriguez on growing romance with Carla Abellana: "Let it unfold on its own."

Tom Rodriguez appreciates Carla Abellana's all-out support to his endeavors.
by Rachelle Siazon
Published Sep 16, 2014
“It’s not something you should orchestrate or plan out. So, I think the best thing to do is enjoy it," says Tom Rodriguez when asked about the real score with My Destiny leading lady Carla Abellana.

Inamin ni Tom Rodriguez na masaya siya sa ipinapakitang suporta sa kanya ni Carla Abellana, na napapabalitang nililigawan ng actor-TV host.

Ayon sa Kapuso hunk, saksi si Carla sa pagiging kabado ng actor nang bigla siyang mapili para tumayong game show ng Don’t Lose The Money.

“Actually, dinalaw niya ako nung nandito [sa GMA studio] si Dennis [Trillo], nung naglaro sila.

“It’s a very good feeling. A lot of people came in to show their support.

“Si Carla magkasama kami sa My Destiny.

“Nung nandun pa lang ako sa set iniisip ko na, ‘Ano’ng gagawin ko bukas, nakakatakot, ngayon pa lang nanghihina yung tuhod ko.'

“Kaya alam nilang lahat yung pinagdadaanan ko. Parang rollercoaster na emotions. Their support really means a lot,” saad ni Tom.

Tila lumalabas na lucky charm ni Tom si Carla dahil mula nang magkatrabaho sila sa My Husband’s Lover ay sunud-sunod na ang natanggap na proyekto ng Kapuso actor.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sagot ni Tom tungkol dito: “As a leading lady, I really feel her care and support. Especially, ‘pag challenging yung scenes, kaya I’m very safe dun.”

Nakausap si Tom ng entertainment press, kabilang na ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng Don't Lose The Money ngayong araw, September 16.

ON COURTING CARLA. Kamakailan lang ay inamin ni Tom na “nagpaparamdam” pa lang siya ng pagkagusto niya kay Carla.

READ: Tom Rodriguez admits sending out "feelers" to Carla Abellana: "Parang pumoporma, iba yung nanliligaw."

Sa isang panayam naman kay Carla noong nakaraang buwan, inamin ng aktres na may pagkakataong nakasama ng kanyang pamilya sa isang dinner si Tom.

Ngunit nang direktang tanungin kung may bago sa panunuyo niya kay Carla, iginiit ni Tom na hangga’t maaari ay ayaw niya itong pag-usapan dahil baka biglang maudlot pa.

Paliwanag ng 26-year-old Kapuso actor, “Yun nga, e. I think most kind of things, if ever it will materialize, it will materialize.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“It’s not something you should orchestrate or plan out. So, I think the best thing to do is enjoy it.

“Kasi even me, just answering these kind of questions or thinking of it in that way, parang you’re like killing any possibility at all.

“Gusto ko lang mag-focus [sa work].

“If anything else happens, I will welcome it, whatever will materialize.”

Kung ano man ang mayroon sila ni Carla ngayon, siniguro ni Tom na masaya siya na mas nakikilala nila nang husto ang isa’t isa on at off cam.

“’Pag masyado mong puproblemahin, ‘pag masyado mong iisipin, I think you’re doomed to fail.

“So, if ever there is something like that, I think the best approach, lalo na with this kind of schedule, is to let it unfold on its own.

“And I am very happy with the way everything is unfolding,” diin ni Tom.

CAREER VERSUS LOVE LIFE? Sa dami ng proyekto niya ngayon, hindi maiwasang tanungin si Tom kung pinaghahandaan na rin ba niya ang pagkakaroon ng sariling pamilya balang araw.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ngunit iginiit ng aktor na ang prayoridad niyang pag-ipunan ay ang pagbili ng sarili niyang tirahan at pati na rin para sa kanyang mga magulang na nakabase sa U.S. sa kasalukuyan.

“I really wanna work hard to save up. Kasi I want to bring my parents here. Gusto ko dito sila mag-retire malapit sa akin.

“’Pag napatayuan ko na sila ng bahay, I know for 100 percent fact na the future is secure, na wala na silang puproblemahin, everything is taken care of, then I’m gonna continue saving up pero para naman sa magiging pamilya ko.

“Ever since when I was young, yun ang goal.”

Base sa mga nabanggit, matatagalan pa kaya bago siya lumagay sa tahimik?

“We never know. When I was younger I thought I’d get married at 26. I’m 26 now and that’s not the case.

“Gaya ng sinabi ko, those are the kind of things you don’t plan anymore. I tried planning it and it didn’t work out.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“When you plan so hard, ang nangyayari it slips out of your hand.

“Kaya kailangan hintayin mo na lang yung tamang time, yung tamang blessing.

“Alam ko na Siya ang may gawa ng lahat ng ito.”

Sa huli, nilinaw ni Tom kung ano ang pinanggalingan ng kanyang determinasyong sulitin ang mga oportunidad na natatanggap niya, at kung bakit tila hindi niya masyadong napagtutuunan ng pansin ang kanyang love life.

“Pero yung conscious effort ko is to work.

“I waited for this. I waited for four years.

“Kahit wala akong kinakain, wala akong trabaho. Many times I wanted to go home to the States.

“This was supposed to be my last gamble. Ang GMA, sumugal talaga sila sa akin.

“And now, through GMA, through Popoy [Caritativo, his manager], through God, I’m here now.

“I really want to make the most out of it.”

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
“It’s not something you should orchestrate or plan out. So, I think the best thing to do is enjoy it," says Tom Rodriguez when asked about the real score with My Destiny leading lady Carla Abellana.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results