Nagkasama ngayong araw, March 6, ang phenomenal love team na sina Alden Richards at Maine Mendoza sa Boracay Island sa Aklan province.
Ito ay ayon sa Snapchat updates ng Dubsmash Queen.
#VoteMaineFPP #KCA Maine's Snapchat Update Follow us on twitter: www.twitter.com/aldubnation16
Posted by AlDub on Saturday, 5 March 2016
Nag-enjoy sina Alden at Maine sa mga water sports tulad ng parasailing at speedboat ride.
Ipinag-drive pa ni Alden si Maine ng jetski.
Samantala, sinabi naman ng Facebook user na si Jona Maglunob Tubuera, isang cashier sa Boracay, na si Alden daw ang sumagot sa lahat ng gastos sa kanilang weekend escapade.

Nag-post naman si Alden sa kanyang Instagram ng isang litrato kasama si Maine habang sila ay nasa Boracay.
Caption niyo dito, “Worth it.”
May nag-post din sa Instagram na nakakita kay Alden sa Caticlan Airport pabalik na ng Maynila.