Nabahiran ng kontrobersiya ang pagbabalik ni Dingdong Dantes sa primetime ng GMA Network pagkatapos ng Pari 'Koy noong 2015.
Dahil ito sa isang poster ng bago niyang teleserye na Alyas Robin Hood, na hindi galing sa production.
Diumano ay kinopya lang ito sa popular na American TV series na Arrow.
Sa puntong ito, nagpahayag ang aktor na buo ang tiwala niya sa kanyang network at walang dahilan para sabihing kopya lang ang bago nilang teleserye.
Saad ni Dingdong, “I was talking about being here for eighteen years.
“Yung eighteen years na yun, ganun din katagal ko ipinagkatiwala ang aking sarili.
“That’s practically more than half of my life sa GMA, sa mga programang ibinibigay nila sa akin.
“Alam ko na lahat ng programa nila ay dumadaan sa masusing pagsusuri, pagri-research.
“At kakaibang creative teams ang mga nasa likod ng show ng GMA.
“That’s why confident ako sa lahat ng ibinibigay sa akin at tiwalang-tiwala ako sa lahat ng ibinibigay sa akin.
“Kaya yun ang pinaka pinanghahawakan ko, yung tiwala ko sa kanila.
“At siguro, ganun din sila, yung tiwala nila sa akin.”
Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang reporters si Dingdong sa grand presscon ng Alyas Robin Hood, Linggo ng gabi, September 11, sa Le Reve Pool and Events Place.
FAN MADE. Hindi naman daw na-offend si Dingdong sa ginawang fan art o poster na naging dahilan upang maikumpara ang Alyas Robin Hood sa American series na Arrow.
Sabi ni Dingdong, “With regards to poster, klaro naman na yun ay fan made.
“Hindi naman natin maku-control yung mga ganun.
“Pero dapat siguro nagkaroon ng pagpu-pulis pagdating sa mga bagay na yun.
“Nowadays, pagdating sa mga bagay na ‘yan sa social media, madaling maikalat.
“Kapag nakita mo na ang logo ng isang hinahangaan mo, mapapaniwala ka.
“Klaro naman na hindi galing sa GMA yun and it was fan made, so I’m not meddling with that issue because it’s really more of the other side, hindi sa amin.”
Sa isang banda, na-bother ba siyang naikumpara sa Arrow ang Alyas Robin Hood?
Ayon kay Dingdong, “Ang Robin Hood kasi, base talaga siya sa isang alamat.
“Isang alamat na napagdaanan na natin ‘yan, alam na natin ang istorya niyan.
“Ang Robin Hood is a master plot. Katulad ng Cinderella, it’s a master plot. Romeo and Juliet is a master plot.
“Marimar has a master plot of Cinderella kunsaan, si Marian [Rivera] yung bida at karamihan ng show ni Marian ay may Cinderella master plot.
“At dahil dun, nagiging relatable.
“Ganun din ang Robin Hood. Yung skills, he meddles with the rich para makapagbigay sa mga mahihirap.”
GOOD PUBLICITY. Kung pagbabasehan ang trailer ng Alyas Robin Hood na ipinalabas sa presscon, masasabing malayo naman ito sa Arrow.
Ayon nga kay Dingdong, “Yes, and bilang actor, masaya kami na ibinibigay sa amin ang ganitong klaseng istorya.
“Ang obligasyon namin, gampanan ang aming role hundred percent, walang labis.
“Hindi, puwedeng may labis, pero walang kulang.”
May mga nagsasabing nakakatulong din daw ang nangyaring isyu.
May kasabihan na 'good or bad publicity is still publicity,' naniniwala ba siya dun?
Ayon kay Dingdong, “Siguro sa akin, mas importante sa akin yung core at saka dahilan kung bakit namin ginagawa ‘to.
“Para sa amin, it’s our love for the craft… at siyempre yung tiwala sa aming producers.
“Gaya nga ng sabi ko kanina, eighteen years, lahat ng mga yun, ipinagpapasalamat ko sa kanila.
“Kung anuman ang maging reaction, it is normal.
“Hindi mo mapi-please ang more than hundred hundred million Filipinos.
“But what’s more important, yung thirty-seven percent na practically normal viewers ng GMA.
“Siyempre, mas gugustuhin pa nating dumami yun at makuha pa natin yung hindi pa viewers ng GMA through this show.
“That’s why, very, very grateful kami sa kung anumang uri ng appreciation.
“Ako, I consider whatever is happening as an act of appreciation ng mga tao.
“First, we’re grateful that it was shared.
“Natutuwa kami na yung trabaho namin, ipinapakita pa sa mas maraming tao.
“I believe na yung taong gumawa nun ay isang sikat na tao sa atin kaya marami rin ang humahanga sa kanya.
“Kaya nagpapasalamat ako na nai-share niya yung pinagharapan niya.
“At the same time, noong panahon na yun, we we’re really very focused on finishing week one.
“Kaya lahat ng aming focus, attention, ay sa pagpapaganda talaga ng soap.”
PREPARATION. Sinabi rin ni Dingdong na hindi pa niya napapanood ang Arrow.
“Sa totoo lang, hindi ko pa siya napapanood, pero balita ko, sikat na sikat siya sa atin.
“Siguro, up to a certain percentage ng ating population ay into T V shows.
“Siguro after Alyas Robin Hood, makakapanood ako kahit isang episode nun.
“Dahil sa ngayon, talagang focus kami sa pagsu-shooting at pagti-taping.”
Nag-training din daw si Dingdong para sa Alyas Robin Hood pero hindi naman daw lahat ay doon nakabuhos.
Ayon sa aktor, “Siniguro namin na yung mga galaw, dapat sakto at akma dun sa sports na pinu-portray.
“Pero we also have to remember na medyo hyper-real ang gusto naming i-portray rito.
“Yung armas, representation lang yun ng kung anumang ipinaglalaban, it can be anything.
“Yung creative team and production, they chose na ito ang gamitin.”
