Naglabas ng kanyang sama ng loob si Tricia Centenera sa Twitter.
Base sa kanyang post ngayong Biyernes, September 23, tila pinahihirapan daw siya ng kanyang estranged husband na si Gab Valenciano.
Kahit walang binanggit na pangalan o tinukoy na sitwasyon si Tricia, mahihinuha na panawagan niya ito sa asawa na huwag na siyang pahirapan nito sa kanilang divorce.
Sabi ni Tricia, “You'd think considering he wanted this, he'd be more cooperative... Please stop making my life difficult & have some integrity to respond.”
@TriciaCentenera I don't know you personally but I'm sorry you have to go through this. ((Virtual hug))
— Lynne (@MissLynneC) September 23, 2016
Matatandaang nitong nakaraang unang linggo ng Setyembre, sinabi ng isang taong malapit kina Tricia at Gab na ang anak nina Gary Valenciano at Angeli Pangilinan diumano ang nag-request ng divorce.
Ayon pa sa source ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Gab is pushing for a divorce. Tricia is crushed and now all the cheating has surfaced.”
Marami ang nanghinayang sa paghihiwalay ng dalawa dahil mahigit isang taon pa lang silang kasal.
