“Hindi po, trabaho muna.”
Ito ang nakangiting tugon ni Rafael Rosell sa tanong kung magpapakasal na siya sa non-showbiz girlfriend niyang si Valerie Gomez Chia.
Mahigit isang taon na raw ang relasyon nila, pero magkakilala na sila noon pang 2011.
Chinese-Spanish si Valerie, at ayon kay Rafael, wala siyang nakikitang conflict sa pamilya ng girlfriend.
“I think noong dati, noong mga bata pa sila, mas strict ang traditional values nila.
“Pero ngayon, dahil may mga outside influences na…
“Dahil sa mga kapatid din na naka-experience ng Pinoy partner, medyo kumalma na ang pagka-traditional.”
Natatawang dagdag pa ni Rafael, “Ang goal na lang daw ay maghanap ng mabait at masipag.
“Tingin ko, pasok siguro ako dun.”
Okey nga raw ang relasyon ni Rafael sa pamilya ng girlfriend.
“Sobrang okey ako with the family, para siyang extension ng sarili kong family, ibang dimension ng family ko.
“Si Mommy, sobrang mahinhin at very wholesome ang kilos at choices sa buhay.
“Sa side naman niya, yung mommy niya, very outgoing, very spontaneous, lahat tutulungan agad.
“Yung tatay, businessman siya, inaalagaan ang mga anak.
“Ang tatay ko naman, geologist, inaalagaan ang mga anak.
“I see a parallel universe here and I’d like to stay in this world.”
So, is Valerie the one for him?
“No comment ulit ako diyan,” nakangiting sagot ni Rafael.
“I don’t get into a relationship naman unless I think she’s the one.
“So far, lahat ng na-face naming obstacle, we’ve overcome them at nag-improve after.
“Para sa akin, the number one thing talaga is trust and understanding, and I see an abundance of that sa kanya.”
Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Rafael sa presscon ng bago niyang afternoon drama series sa GMA-7, ang Impostora, na ginanap noong Lunes, June 5.
