Kinumpirma ng Kapamilya actor na si Paulo Avelino ang relasyon nila ng Filipino-Australian model na si Jodie Elizabeth Tarasek.
"Kami na," sagot ni Paulo nang tanungin ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kung exclusively dating pa lang sila o sila na talaga.
Dugtong pa niya, "Hindi ko na sasabihin kung kailan, pero kami na.
"Happy ako ngayon."
Paano sila nagkakilala ni Jodie?
Ayon kay Paulo, "Through a common friend kami nagkakilala. Tapos ayun, I never...
"Sobrang simple lang, yun ang isa sa mga reasons kung bakit sobra akong na-attract sa kanya."
First week of July nang naging viral ang larawan nina Paulo at Jodie sa social media. Dito na nagsimula ang usap-usapan tungkol sa kanila.
Eksklusibong nakapanayam ng PEP.ph si Paulo sa launching ng bago niyang endorsement, ang RDL Beauty Products, sa isang restaurant sa Quezon City, ngayong Martes, July 25.
