NOEL FERRER: Habang nasa Boracay kami pagkatapos ng Mananquil-Magalona wedding ay kumalat na ang bagong campaign ng Belo Medical Group.
At wari’y walang makahula kung sino ang nasa print ad na iyon.
May nagsasabing si Liz Uy, meron namang nagsabing si Jodi Sta. Maria.
Hanggang may nagsabing kamukha raw ni Karel Marquez, at may iba pang humula na si Jona.
Ngunit nang mag-focus sa copy ng print ad na “News has never looked this good,” at pagtuunan ng pansin ang nameplate na nandun sa ilalim ng picture ng bago nilang endorser—ay, yun na nga, si Korina Sanchez-Roxas pala!
Kaya ang tanong ko, handa na ba kayo?

JERRY OLEA: Nag-PM ako kay Chuck Gomez (publicist na malapit kay Korina).
Himala ba ito?
“Hahahahahaha, oo!” hirit ni Chuck.
Ang beauty regimen ni Korina, ayon pa kay Chuck ay, “Positive attitude in life.”
GORGY RULA: Sa wedding pa lang nina Drs. Belo & Kho, kapansin-pansin na raw ang pagpayat ng mukha ni Korina at lalo pang gumanda ito.
Gawa naman daw yun sa Belomed, hindi dun sa doktor na gumawa kay Xander Ford na pinasikat ng Rated K niya.
Paghahanda na rin daw kasi ito sa launch ng beauty products niyang K Everyday.
Dapat ganda-gandahan siya para may karapatang maglabas ng sarili nyang line.
Mga hair care products daw muna ang unang inilabas ni Korina ng kanyang K Everyday, kung saan tinulungan ito ng batang negosyanteng si Glenda Victorio ng Brilliant Skin Essentials, na na-feature din sa kanyang Rated K.
NOEL FERRER: I’m sure walang pakialam at kebs lang ni Korina sa mga bashers niya na nagsasabing photoshopped yung litrato niya sa ad.
Ang tanong, may iba pa kayang broadcaster na mangangahas magpaayos ala-Korina to the max?
May K naman kaya ang mga ito ala Koring?