Magkano ang Iyong Dangal cast members
Updated: 01/21/2010
Views: 162979
Ang afternoon soap opera na
Magkano ang Iyong Dangal ay mapapanood na sa ABS-CBN simula January 25, 2010. Si Roxanne Guinoo ang dapat na gaganap na bida ngunit dahil sa personal reasons niya, pinalit si Valerie "Bangs" Garcia.
CLICK HERE to read more about this TV series.

-
Directed by Chito Roño, ang Magkano ang Iyong Dangal ay tumatalakay sa love triangle nina Troy, Carmela and Nilo na ginagampanan nina (from left)Rayver Cruz, Bangs Garcia at Sid Lucero.
Magkakabata sila dati ngunit ang tunay na iibigin ng dalaga ay si Nilo. Dadating ang panahon na kakailanganin ni Carmela ng malaking halaga ngunit ang kapalit naman nito ay ang kanyang dangal. Ipagpapalit ba niya ang dignidad niya para sa kanyang mahal sa buhay?
Photography: ABS-CBN
-
Si Rayver Cruz
ang gaganap na Troy, ang lalaking nagmamahal kay Carmela ngunit magiging obsessed siya dito.
Para sa kanya, kayang tapatan ng pera ang lahat,
kahit dangal o buhay ng tao. Gagawin ang lahat upang mapa-ibig si Carmela.
Photography: ABS-CBN
-
Si Bangs Garcia ay gaganap ng isang worker sa isang shoe factory sa Marikina. Bilang Carmela, isa siyang masunurin na anak kay Rodora (Mickey Ferriols).
Photography: ABS-CBN
-
Si Nilo (Sid Lucero) ay handang ibigay ang buhay para kay Carmela. Ambisyon niyang yumaman para maging good provider para sa kanyang pamilya ngunit isang trahedya ang maghihiwalay sa kanya at kay Carmela.
Photography: ABS-CBN
-
Bangs described Sid Lucero as a gentleman. "Much older siya so mayroon siyang instant manly
figure. Very gentle siya and he has soft lips. Nakaka-in love talaga si Sid."
Photography: ABS-CBN
-
Bangs Garcia described her leading man Rayver Cruz by saying, "Nagulat ako kasi may potential pala
siya...Dati kasi pa-tweetums siya so ngayon, may ibubuga pala siya."
Photography: ABS-CBN
-
Ayon kay Rayver, naramdaman niyang panahon na upang tumanggap na siya ng mature roles tulad nito. "Time na mag-step up ako kasi nga ever since nakilala ako sa Anime [dance group]. Gusto ko na rin na iba yung ginagampanan kong roles kasi di naman forever bata ka."
Photography: ABS-CBN
-
Si Carmela (Bangs) ay kayang ibigay ang lahat para sa kanyang minamahal, kabilang na rito ang kanyang dangal.
Photography: ABS-CBN
-
Ano ang paniniwala ni Bangs tungkol sa mga indecent proposals?
"Against ako dun, eh. Sobra akong ma-prinsipyong
tao. Kahit maghirap ako as long as makuha ko yung bagay na gusto ko. Basta
makuha ko as hirap at pagod ko. Medyo namana ko sa dad ko kasi ganun siya eh.
"May prinsipyo akong babae at sana maraming babae rin ang magkaroon pa ng
prinsipyo para intact pa rin yung dignity nila,"
Photography: ABS-CBN
-
Ayon kay Sid Lucero, nahirapan siya nang sinisimulan nila ang Magkano ang Iyong Dangal? "I would say na nahirapan talaga ako nung first
day, feeling ko after all this years that I've been working kahit sandali lang...parang kailangan ko pa ring i-improve, which I really appreciated."
Photography: ABS-CBN
-
Ang mga cast members ng Magkano ang Iyong Dangal ay binubuo nina (from left, clockwise) Bettina Carlos, Rayver Cruz, Sid Lucero, Martin del Rosario, Beverly Salviejo, Debraliz Valasote, Nikki Valdez, Mickey Ferriols, Bangs Garcia at Bing Pimentel.
Photography: ABS-CBN
