Ipinakilala na kagabi, Oktubre 18 sa entertainment press ang mga host ng Pinoy Big Brother Unlimited, sa press conference na naganap sa Elements sa Enton Centris, Quezon Avenue, Quezon City.
Bukod sa mga bagong set ng boarders ni Kuya, dapat din daw abangan ang dalawang bagong host ng show na siguradong maghahatid ng mga kakaibang pakulo para sa mga manonood.
Ang kick-off night na tatawagin na PBB Unlimited: The Big Fiesta, ay magaganap sa susunod na Sabado, Oktubre 29, kung saan makikita na natin ang bagong gawa na bahay ni Kuya. (CLICK HERE for related article)
PEP Live





