Isang "glamorosang" drama series ang ihahandog ng TV5 sa kanilang mga manonood simula Lunes, Nobyembre 7, pagkatapos ng Wil Time Big Time.
Ang Glamorosa ay isang kuwento na sa una'y aakalain na simpleng kompetisyon lamang ng dalawang cosmetic surgeons, ngunit bukod pala dito'y kompetisyon din ito para sa puso ng iisang lalaki.Kagabi, Nobyembre 5, sa ginanap na red carpet presscon ng naturang teleserye sa 14th floor ng Meralco Lighthouse sa Meralco Building, Ortigas, Pasig City, ay ipinakilala ang ilan sa mga cast ng soap opera.
PEP Live
















