A visit to the world of "Kokak"
Updated: 01/27/2012
Views: 419
Dalawang linggo na lamang ang natitirang taping days para sa
afternoon fantaserye ng GMA-7, ang Kokak,
na magtatapos sa ika-2 Marso.
Noong January 26, inimbitahan ang PEP.ph
(Philippine Entertainment Portal) para pumunta sa kanilang location sa Sevilla St.,
Brgy. Pedro Cruz, San Juan,
kung saan kinukunan sa isang lumang bahay ang mga eksena sa tahanan nila Kara
(Sarah Lahbati).

-
Si Sarah Lahbati (nasa larawan) ang gumaganap na Kara, ang
dalagang nagiging palaka sa tuwing nababasa ang kanyang talampakan.
Isang eksena kung saan nahulog si Kara ang kinunan nung araw na
iyon.
Napag-alaman naming nakatakdang gumawa ng primetime show si
Sarah pagkabalik niya mula sa kanyang Valentine concert sa Switzerland, kunsaan
kasama sina Derrick Monasterio at Enzo Pineda.
(
CLICK HERE for related article)
Photography: Noel Orsal
-
Ang first sole survivor ng Survivor Philippines na si JC Tiuseco (nasa larawan) ay naabutan din namin sa
location.
Siya ang gumaganap na Roco, ang karibal ni Carl (TJ
Trinidad) sa puso ni Kara.
Ikinuwento sa amin ni JC na hindi magiging maganda ang
katapusan ng kuwento para sa kanyang karakter dahil mabibigo itong makuha ang
pag-ibig ni Kara.
Photography: Noel Orsal
-
"Lokaret ‘tong si Elizabeth,
e!"
Ganito inilarawan ni Vaness del Moral (nasa larawan) ang kanyang karakter
sa Kokak, na si Elizabeth, karibal ni Kara kay Karl.
Kuwento niya, nang madiskubre ng kanyang karakter ang lihim
ni Kara, inalam nito ang sanhi kung bakit
ito nagiging palaka upang patunayan kay Carl na
hindi normal na babae si Kara.
Photography: Noel Orsal
-
Kapansin-pansin ang kunwaring mga pasa sa katawan ni Jessa
Zaragoza nang makapanayam namin siya.
Kinunan raw kasi nila ang eksena nang araw na iyon, kung
saan binugbog ni Norman (Gian Magdangal) ang karakter niyang si Angela.
Nabanggit din ni Jessa sa amin na nakatakda siyang mag-launch
ng album sa susunod na buwan, ang Pag
Wala Na Ang Ulan, na may carrier single na "Nasaan" at distributed by GMA
Records.
Photography: Noel Orsal
-
Masigla at nakangiti si Frencheska Farr (nasa larawan) nang makapanayam
namin siya. Sinabi niyang wala siyang ka-love team sa palabas na ito, at
hanggang sa huli'y magiging matapat na kaibigan ni Kara ang kanyang
karakter na si Rafa.
Sa Agosto ay magbibida si
Frencheska sa isang theater performance, ang Hope For The Flowers,
kung saan makakasama niya sina Steven Silva at Gladys Guevarra.
Photography: Noel Orsal
-
Bago umalis ang entertainment press ay lumabas ang direktor
ng Kokak na si Ricky Davao (nasa larawan), upang
magpaalam at magpasalamat sa pagdalaw namin sa kanilang location.
Si Ricky ay kabilang sa cast ng #MyCactusHeart, na pinagbibidahan nina Matteo Guidicelli at Maja
Salvador.
Kasama rin siya sa pelikulang Hitman, na pinagbibidahan naman nila Cesar Montano at Sam Pinto.
Photography: Noel Orsal
