Annebisyosa: No Other Concert Part 1
Photography: Melo Balingit
Updated: 02/01/2012
Views: 97314
Noong January 28, 2011 ay natupad ang isa sa pangarap ng aktres na si Anne Curtis—ang magkaroon ng major solo concert. Pinamagatang Annebisyosa: No Other Concert, naganap ang "first and last" concert ni Anne sa Araneta Coliseum. Bagamat hindi isang tunay na singer, napuno ni Anne ang Big Dome.
CLICK HERE to read related story.

-
Dumadagundong na hiyawan at palakpakan ang sumalubong kay Anne Curtis nang lumabas siya sa stage bilang hudyat ng pagsisimula ng kanyang concert.
Photography: Melo Balingit
-
Ang unang kinanta ni Anne ay ang mash-up ng mga awitin ni Rihanna na "Only Girl" at "We Found Love." Kasama ni Anne ang resident dance group ng ASAP na G-Force.
Photography: Melo Balingit
-
Ito ang stage design sa pagsisimula ng concert. May dalawang malaking screen sa magkabilang gilid, samantalang isang higanteng mikropono ang nasa gitna...dito lumabas si Anne.
Photography: Melo Balingit
-
Kung may kakulangan man siya pagdating sa boses, itinodo naman ni Anne ang kanyang pagsayaw at projection sa bawat production number niya.
Photography: Melo Balingit
-
Napasigaw si Anne sa gitna ng kanyang performance marahil para maalis ang tensiyon at kaba na nararamdaman niya...
Photography: Melo Balingit
-
...Lalo na nang makita niya ang dami ng tao sa loob ng Araneta Coliseum na sumuporta sa kanyang kauna-unahang concert.
Pero pauna niya sa audience: "Sana nagdala kayo ng earplugs ninyo kasi I promise you it's gonna be a night of biritan. It's gonna be a night of fun. Pag nagkamali man ako o mawala man ako sa tono, sabayan n'yo na lang ako, ha."
Photography: Melo Balingit
-
Pagkatapos lamang ng ilang saglit ay nagpalit na ng damit si Anne para sa kanyang sumunod na number—ang "Run The World (Girls)" ni Beyonce.
Photography: Melo Balingit
-
Mistula namang carnival queen si Anne sa kanyang sumunod na number...
Photography: Melo Balingit
-
...Sinamahan siya rito ng una niyang guest—ang kanyang "little baby sister" na si Jasmine Curtis Smith.
Photography: Melo Balingit
-
Kinanta nina Anne at Jasmine ang ilan sa pinasikat na kanta ni Katy Perry, gaya ng "Friday Night," "Teenage Dream," at "Firework."
Photography: Melo Balingit
-
Pagkatapos ng number ng magkapatid ay iniwan muna ni Anne si Jasmine kasama sina Vhong Navarro at Luis Manzano.
Photography: Melo Balingit
-
Pagbalik ni Anne ay sinimulan na siyang "laitin" nina Vhong at Luis.
Ayon kay Luis, ito lang daw ang concert na mas pagod ang back-up singers
kesa sa mismong nagku-concert.
Photography: Melo Balingit
-
Binati rin nina Vhong at Luis ang halos lahat ng may kinalaman sa concert, maliban kay Anne. Biro pa ng dalawang kaibigan ni Anne, lahat daw ng mga taong nasa Araneta ay computer graphics lamang, o di kaya'y hindi nagbayad ng ticket.
Photography: Melo Balingit
-
Pagkatapos ng "panlalait" nila kay Anne ay sinamahan nina Vhong at Luis ang aktres na kumanta ng OPM medley. Dahil sa kapal ng fog machine sa stage ay nagkunwaring zombie si Vhong na ikinatawa nina Anne at Luis.
Photography: Melo Balingit
-
Humagalpak naman sa kakatawa ang audience sa dance number nina Luis at Vhong, sa saliw ng awiting "I'm Sexy And I Know It."
Photography: Melo Balingit
-
Habang hinihintay na makapagbihis si Anne para sa kanyang susunod na number, tinawag nina Luis at Vhong ang ilan sa celebrities na nasa audience para gayahin ang kanilang dance steps. Ang mga artista na umakyat sa stage ay sina Isabelle Daza, Georgina Wilson, Solenn Heussaff, Karylle, Ryan Bang, at Jhong Hilario.
Photography: Melo Balingit
-
Ang Annebisyosa concert ay idinirek ni Rico Gutierrez.
Photography: Melo Balingit
-
Mula sa itaas ay bumaba si Anne sakay ng higanteng kama para sa kanyang signature song na "Alone."
Photography: Melo Balingit
-
Panibagong bersiyon na naman ang ginawang pagbirit ni Anne para sa "Alone." Sa pagkakataong ito ay nagpasirku-sirko siya habang inaabot ang mga matataas na nota.
Photography: Melo Balingit
-
Ang sumunod na guest ni Anne ay ang kanyang kaibigan at kasamahan sa Showtime na si Vice Ganda. Napuno ng tawanan ang buong Araneta dahil sa pagpapatawa at pambabara ni Vice. Pero pinatunayan din ni Vice ang kanyang galing sa pagkanta nang binanatan niya ang "Get Here" ni Oleta Adams.
Photography: Melo Balingit
-
Pagkatapos ng solo number ni Vice ay nag-showdown sila ni Anne para sa kantang "Telephone" ni Lady Gaga.
Photography: Melo Balingit
-
Habang kumakanta ay isa-isang nagtanggal ng kasuotan sina Anne at Vice...
Photography: Melo Balingit
-
...At sa huli nga ay tinapatan ni Vice ang suot na tanga ni Anne.
Photography: Melo Balingit
-
Hindi talaga nagpakabog si Vice kay Anne dahil nag-pose pa siya na parang modelo.
Photography: Melo Balingit
