Cast Members: My Beloved
Photography: Courtesy of GMA-7
Updated: 02/12/2012
Views: 109274
Makalipas ang higit sa isang taon ay balik-tambalan ang reel- and real-life couple na sina Dingdong Dantes at Marian Rivera sa pinakabagong primetime series ng GMA-7, ang My Beloved. Mapapanood ang My Beloved simula sa February 13, sa GMA Telebabad pagkatapos ng Biritera.

-
Ang My Beloved ang ika-limang primetime series na pagtatambalan ng magkasintahang Marian Rivera at Dingdong Dantes. Una silang nagtambal sa launching series ni Marian na Marimar; sinundan ito ng Dyesebel, Ang Babaeng Hinugot Sa Aking Tadyang, at Endless Love.
Photography: Courtesy of GMA-7
-
Gumaganap si Dingdong sa dalawang katauhan. Siya si Arlan.
Natatangi si Arlan sa lahat ng mga Sundo. Ang mga Sundo ang mga nilalang na sumusundo at naghahatid sa mga yumao na nasa pintuan ng langit.
Sa kuwento, si Arlan ay may pitak ng damdamin sa kanyang puso at madarama niya ang awa sa oras na susunduin na niya si Sharina. Hahayaan niyang mabuhay ang dalaga...
Photography: Courtesy of GMA-7
-
Subalit dahil sa paglabag ni Arlan sa kanyang tungkulin, papatawan siya ng isang matinding parusa—ang maging isang mortal.
Sasalin siya sa katawan ni Benjie, isang kriminal. Wala siyang pagkakakilanlan sa mundong kinagisnan ni Benjie, mahihirapan siyang makipagsapalaran sa bago niyang mundo, at pagdaraanan niya ang lahat ng hirap na nararanasan ng tao.
Photography: Courtesy of GMA-7
-
Si Marian ay si Sharina. Iiwan ng ina at mauulila sa ama sa murang edad, lálaki siya sa piling ng mga mapang-aping kamag-anak.
Photography: Courtesy of GMA-7
-
Mabait at mapagtimpi, tiniis ni Sharina ang lahat ng kanilang pang-aapi, pero para sa mahal niya sa buhay ay handa siyang lumaban. Upang mapatatag ang loob, naghahanap siya ng taong magpoprotekta sa kanya.
Photography: Courtesy of GMA-7
-
Si Katrina Halili ay si Emmie, ang girlfriend ni Benjie. Siya ay mabait at matulunging kapatid kay Lyzette. Pero pagdating sa pag-ibig niya kay Benjie, handa siyang lumaban nang buong tapang.
Photography: Courtesy of GMA-7
-
Si Paolo Contis ay si Gimo, ang kababata ni Benjie na isa ring kriminal at pinuno ng kanilang gang. Nais magbago ng kaibigang si Benjie, pero laging dadalhin ni Gimo sa maling landas.
Photography: Courtesy of GMA-7
-
Si Mikael Daez ay si Nelson. Kahit kaibigan lang ang turing sa kanya ni Sharina, magiging masugid siya sa pagkuha sa pag-ibig ng napupusuan.
Photography: Courtesy of GMA-7
-
Ang multi-awarded actress na si Chanda Romero ay gumaganap bilang si Elsa, ang istriktang tiyahin nina Sharina at Monica. Siya ang magpapalaki sa magkapatid. Para sa kanya, lahat ng bagay na ginagawa ay may kaukulang kapalit.
Photography: Courtesy of GMA-7
-
Sa isang natatanging pagganap, gagampanan ng mahusay at beterang aktres na si Ms. Nova Villa ang papel ni Lola Inggay. Dating may pananalig sa Diyos, pero sa sunud-sunod na dagok sa buhay ay mababalot ng pait ang puso at mawawalan ng pananampalataya.
Photography: Courtesy of GMA-7
-
Si Jennica Garcia ay si Monica—ang mabait na kapatid at tagapagtanggol ni Sharina at ang maiiwang nobya ni Junic.
Hindi niya matatanggap ang pagkamatay ng nobyo at gagawin ang lahat para malaman kung sino ang salarin sa pagkamatay ni Junic.
Photography: Courtesy of GMA-7
-
Si Carl Guevara ay si Junic. Maagang papanaw, hindi iiwan ang nobya hanggang hindi matanggap ng minamahal ang kanyang pagkamatay. Susubaybayan niya si Monica hanggang makahanap ito ng bagong mamahalin.
Photography: Courtesy of GMA-7
-
Ang My Beloved din ang balik-tambalan nina Jennica at Carl. Huli silang nagkasama sa comedy series na Jejemom.
Photography: Courtesy of GMA-7
-
Si Alden Richards ay si Rico, ang nakababatang kapatid ni Benjie na umiidolo sa kanya. Kikidnapin ang isang dalaga para sa pera ngunit mahuhulog din ang loob niya rito.
Photography: Courtesy of GMA-7
-
Si Louise delos Reyes ay si Grace. Magpapanggap na mayaman kaya mapagdidiskitahan ni Rico, ngunit mapapaibig din sa inakalang masamang tao.
Photography: Courtesy of GMA-7
-
Ito ang ikalawang pagkakataon na magtatambal sina Louise at Alden sa isang serye. Una silang nagtambal sa Alakdana, ang launching series ni Louise at unang serye ni Alden.
Photography: Courtesy of GMA-7
-
Si Ynna Asistio ay si Lyzette, ang maluhong kapatid ni Emmie at makakaagaw ni Grace kay Rico.
Photography: Courtesy of GMA-7
-
Si Saab Magalona ay si Ginella. Maarte at malupit, magkakagusto kay Nelson at aagawin ang atensiyon nito mula kay Sharina.
Photography: Courtesy of GMA-7
-
Si Andrea ay si Dessa, ang matalik na kaibigan ni Sharina na naniniwalang may isang pag-ibig na nakatakda sa bawat isa.
Photography: Courtesy of GMA-7
-
Si Djanin Cruz ay si Lucy, ang masayahing kaibigan ni Monica. May pagka-tomboy ngunit may itinatagong pagtingin sa isang lalaki.
Photography: Courtesy of GMA-7
-
Si Marky Lopez ay si Tikyo, ang maaasahang matalik na kaibigan ni Benjie. Isa ring kriminal.
Photography: Courtesy of GMA-7
-
Ang model-actor na si Jon Hall ay gaganap bilang isa sa mga sundo.
Photography: Courtesy of GMA-7
-
Gumaganap ding isang sundo ang Brazilian-Japanese hunk na si Fabio Ide.
Photography: Courtesy of GMA-7
-
Ang model turned actor na si Jay Gonzaga ay gumaganap din bilang isa sa mga sundo.
Photography: Courtesy of GMA-7
