Tumakbo ang mga celebrities na sina Georgina Wilson, Borgy Manotoc, Tim Yap, at Fabio Ide, kasama ang iba pang mga personalidad, sa Schools Run for School Rooms ng FILA.
Ito ay ginanap sa Bonifacio Global City noong July 7, kaisa ang Athletes in Action (AIA). Ang run ay inorganisa para makatulong sa pagsasaayos ng classrooms sa Iligan City, na nasalanta ng bagyong Sendong.
Maipatatayo ang mga bagong classrooms sa pamamagitan ng GMA Kapuso Foundation.









