Mula nang lisanin ni Roselle Nava ang showbiz ay naging abala na ito sa kanyang buhay-maybahay at pagiging konsehala sa Unang Distrito ng Lungsod ng Parañaque.
Kaya't nang alukin ng Nice Print Photography & Exige Weddings ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ng mga larawan ng binyag ng anak ni Roselle, agad na tinanggap ng PEP ang mga nasabing larawan at nakibalita na rin kung ano na ang pinagkakaabalahan ng aktres-singer na nagpasikat ng "Laging Ikaw Pa Rin" at "Dahil Mahal na Mahal Kita."





