Kung Fu Kids gallery
Photography: Courtesy of ABS-CBN
Additional photos from:
Noel Orsal
Updated: 01/29/2008
Views: 167230
Kung Fu Kids, the first live Pinoy animé featuring motion-capture technology, premiered on January 28 during ABS-CBN's Primetime Bida. Seven kids are chosen to defend the world from the ninjas of Macoy a.k.a The Fisherman.

-
Pitong kabataan ang nagsama-sama upang magapi ang kasamaan ni Macoy alyas Fisherman. Bawat isa ay may angking kapangyarihan na kanilang magagamit upang pigilan si Fisherman na gumawa anumang kasamaan.
Photography: Courtesy of ABS-CBN
-
Jairus Aquino bilang Lembot.
Lembot ang kanyang pangalan dahil sa kanyang pagiging lampa at laging api. Gayunman, pursigido siyang matutunan ang Kung Fu para maipagtanggol ang sarili at ang kapatid laban sa mga bad guys.
Photography: Noel Orsal
-
Joseph Andrei Garcia bilang Chubbs.
Hango sa salitang "chubby" ang kanyang pangalan dahil sa kanyang likas na katakawan. Siya ang cute na best friend ni Lembot. Bagama't matakaw, may angking kapangyarihan naman ang kanyang big tummy.
Photography: Noel Orsal
-
Eliza Pineda bilang Sarah.
Lumaki man siyang mahirap, natutunan pa rin ni Sarah na maging simple, mabait, masipag, at puno ng pangarap. Matalas ang kanyang pakiramdam at malakas ang pandinig sa kahit ano, kahit gaano ito kalayo.
Photography: Noel Orsal
-
Joshua Dionisio bilang Jazz.
Brusko, matapang, at mautak, 'yan si Jazz. Ang kinatatakutan ng mga bata dahil sa pagiging bully nito. Ngunit sa bandang huli ay magiging kakampi ng Kung Fu Kids upang magapi ang kasamaan.
Photography: Noel Orsal
-
Paul Salas bilang Uragon.
Isang mapagmahal at madiskarteng anak. Siya ang tinagurian MacGyver ng grupo dahil kahit anong gusot ay siguradong malulusutan ni Uragon.
Photography: Noel Orsal
-
Jane Oneiza bilang Moira.
Siya ang maganda at fashionistang anak ng congressman. Mahirap ang magsinungaling sa kanya dahil kaya niyang basahin ang anumang nasa isip ng tao.
Photography: Noel Orsal
-
Kristoffer Dangculos bilang Benjo.
Isa siyang pilyong binatilyo na lumaki sa bahay ampunan. Ngunit di kalaunan ay matutuklasan niyang anak pala siya ng isang congressman. Siya lamang ang may sixth sense sa grupo.
Photography: Noel Orsal
-
Si Wowie de Guzman (left) ang gumanap bilang Waldo, ama nina Lembot at Baby. Labis ang pagkagalit ni Waldo kay Lembot dahil sa pagkamatay ng kanyang pinakamamahal na asawa.
Si Kian Kazemi (right) ang pulis na si Teban, matalik na kaibigan ni Waldo at tumatayong ikalawang ama nina Lembot at Baby.
Cheska Billiones (center) bilang Baby. Siya ang tumayong ilaw ng tahanan nang maulila sila ni Lembot ng kanilang ina.
Photography: Courtesy of ABS-CBN
-
Si Sid Lucero ang gaganap na Kung Fu Master Krung Krung na magtuturo ng martial arts kay Lembot. Misyon niyang hanapin ang rebulto ni Shen Lin Liang at hadlangan ang mga kalaban na gamitin ito sa kasamaan.
Photography: Courtesy of ABS-CBN
-
Nagbabalik telebisyon ang aktor na si Gerard Pizarras bilang Macoy The Fisherman. Siya ang mortal na kaaway ni Kung Fu Master na nagnakaw ng rebulto ni Shen Lin Liang para sa sariling kapakanan.
Photography: Courtesy of ABS-CBN
-
Si Mickey Ferriols (left) ang masipag at mabait na ina ni Uragon.
Balik telebisyon din si Arlene Muhlach (center) bilang supportive na ina ni Chubbs.
Si Christopher Roxas (right) naman ang perpektong ama ni Chubbs na si Tomas. Unti-unti siyang magiging masama simula nang maging empleyado ni Fisherman.
Photography: Courtesy of ABS-CBN
-
Kasama din sa show si Jhong Hilario, ang tumatayong ama ni Jazz (Joshua Dionisio, center). Siya ang pinanagkakatiwalaang ninja ni Fisherman.
Si Asia Agcaoili naman, gumaganap bilang Shiela, ang kanang kamay ni Fisherman. Lingid sa kaalaman ni Fisherman ay may lihim na pag-ibig sa kanya si Shiela.
Photography: Courtesy of ABS-CBN
-
Sina Erich Gonzales (left) bilang Nick, at Matteo Guidicelli (center) bilang Gian, ang loveteam sa teleseryeng Kung Fu Kids.
Si Gian ang nag-iisang anak ni Fisherman na nagsanay at nag-aral ng martial arts sa ibang bansa. Siya ang magpapatibok ng puso ni Nick, ang astiging ate ni Sarah.
Allen Dizon (right) bilang Congressman Adrian. Siya ang butihing ama ni Moira na may malaking utang ng loob kay Fisherman.
Photography: Courtesy of ABS-CBN
