Behind the scenes of Lobo
Photography: Courtesy of ABS-CBN
Updated: 01/30/2008
Views: 330
Piolo Pascual and Angel Locsin play sworn enemies in the primetime TV series Lobo. Directed by FM Reyes and Cathy Garcia-Molina, Lobo airs weeknights on ABS-CBN Primetime Bida.

-
Si Lyka Raymundo (Angel Locsin) ay isang babae na isinumpa na maging werewolf o taong lobo. Samantala, si Noah Ortega (Piolo Pascual) ay isang sundalo na naatasang patayin ang puting lobo. Paano kung malaman nila na ang kanilang minamahal ay siya palang kaaway-mortal?
Photography: Courtesy of ABS-CBN
-
Nang tanungin kung posible bang maging real-life couple sila sa hinaharap, tumingin si Piolo sa mga mata ni Angel bago sumagot, "Si Angel kasi lahat ng qualities nandun, she has all the right values. Good-natured talaga.
"Pero pinag-usapan na namin na trabaho is trabaho. Kung ano ang mangyayari, mahirap pangunahan... ayaw lang namin haluan ng personal ang trabaho."
Photography: Courtesy of ABS-CBN
-
Upang maghanda para sa kanyang role bilang military soldier, nag-aral si Piolo ng martial arts at target shooting. Si Angel naman ay kumuha ng modeling lessons at sinubukan rin niya ang sport na paragliding.
Photography: Courtesy of ABS-CBN
-
Kinunan ang eksena na ito sa Quezon Circle kung saan angkas ni Piolo Pascual si Angel Locsin. Sa isa pang eksena na kinunan sa Subic, naikuwento ni Angel na kinailangang buhatin siya ng kanyang leading man. "Wala siyang arte, maski buhatin niya, buong araw na niya ko bitbit, wala siyang reklamo."
Photography: Courtesy of ABS-CBN
-
Inaasahang tatakbo ang Lobo sa loob ng anim na buwan. Ang theme song ng naturang palabas ay "Ikaw ang Pangarap" na sinulat ni Ogie Alcasid at kinanta ni Martin Nievera.
Ang ilan sa lyrics ng nasabing kanta ay:
Ikaw ang aking pag-ibig
Ang
nagbibigay kulay sa ‘king daigdig
Wala nang nanaisin pa
Kung
magpakailanman ay kasama ka
Ikaw ang pangarap...
Photography: Courtesy of ABS-CBN
-
Produced by Star Television, ang TV arm ng Star
Cinema, ang konsepto ng Lobo ay nagmula kay Mark Bunda tatlong taon na ang nakalipas. Ito ay na-develop pa ng creative team ng Star
Television na binubuo nina Ricky Lee, creative manager; Katrina Flores,
creative consultant; Dang Bagas, head writer and writers Tanya Bautista and
Mark Angos.
Photography: Courtesy of ABS-CBN
-
In Hollywood, a Siberian husky is traditionally used to represent a werewolf but to differentiate this series, the producers decided to purchase a white German Shepherd from France and train it for the show.
This is also more cost-effective since Siberian huskies need to be trained from childhood.
Photography: Courtesy of ABS-CBN
-
Piolo Pascual bilang Noah Ortega, second lieutenant sa Philippine Army kung saan itinuturing siyang asset dahil sa taglay niyang talino, galing at bilis.
Sa likod ng tahimik at misteryosong anyo ay ang isang lalaking tunay kung magmahal. Ngunit masusubukan ang kanyang hangganan pagdating sa pag-ibig.
Kakayanin kaya niyang mahalin ang isang taong iba sa kanyang paningin?
Photography: Courtesy of ABS-CBN
-
In one of the scenes of Lobo, Angel is supposed to shoot a fashion scene where she will paraglide. The sequence was taped in two locations: Caliraya, Laguna and Aurora, Quezon province. Here, Angel is being taught the rudiments of paragliding.
Photography: Courtesy of ABS-CBN
-
Angel describes her character Lyka as someone who is "kikay, jologs, and makulit." Gusto niyang maging fashion designer ngunit hindi siya sinusuportahan ng kanyang Tita Clara Rivero na ginagampanan ni Irma Adlawan.
Photography: Courtesy of ABS-CBN
-
Bilang preparasyon sa kanyang role bilang fashion assistant, kumuha ng modeling lessons si Angel Locsin. Sa totoong buhay, mahilig rin sa fashion si Angel at kumuha pa siya ng short course on fashion design sa London. Paghahanda na rin iyon sa plano niyang magtayo ng sarili niyang sportswear line.
Photography: Courtesy of ABS-CBN
-
Si Lauren Young (gitna) ang gaganap na Zoe Cristobal, ang nakakabatang kapatid ni Noah. Masayahin siya ngunit sakitin kung kaya't laging inaalagaan ni Noah. Ang kanilang tatay ay si Gen. Leon Cristobal (Dante Rivero, kaliwa) na pinalaki niyang disiplinado ang mga anak. Isang misteryosong misyon ang inaatang sa kanya na siyang humahadlang para magampanan ang tungkulin bilang ama.
Photography: Courtesy of ABS-CBN
-
Si Ryan Eigenmann ay gaganap na Anton Rivero, ang kinakapatid ni Lyka (Angel Locsin). Si Maritoni Fernandez (kanan) ay si Vivian Lee, ang biochemist na siyang makakatuklas ng gamot para mapatay ang mga lobo.
Photography: Courtesy of ABS-CBN
-
Si Anton Rivero (Ryan Eigenmann) ang hahadlang sa pag-iibigan nina Noah at Lyka. Kinakapatid niya si Lyka ngunit may nararamdaman siyang pag-ibig para sa dalaga.
Gamit ang kanyang talino bilang chemist at bangis ng kanyang lihim na pagkatao, gagawin niya ang lahat para mapasakanya lang ang wagas na pag-ibig ng babaeng pinakamamahal.
Photography: Courtesy of ABS-CBN
-
Si Janus del Prado ay gaganap sa ka-mistah at matalik na kaibigan ni Noah na si Choy. Miyembro rin siya ng elite force ng militar.
Photography: Courtesy of ABS-CBN
-
Si Don Manolo Sebastian (Robert Arevalo) ang nagmamay-ari ng House of Elle. Dati siyang miyembro ng organisasyon na kilala bilang Luna. Siya ay isang business magnate na iniligtas ni Noah sa gubat ng Subic.
Photography: Courtesy of ABS-CBN
-
Shaina Magdayao bilang Gabrielle Dizon.
Kabilang siya sa Intelligence Division at isang kilalang asset ng militar. Matalik na kaibigan at mistah ni Noah (Piolo).
Ang kanyang dedikasyon sa trabaho ang magtutulak para kalabanin niya ang kanyang kaibigan at nag-iisang lalaking lihim niyang minamahal.
Photography: Courtesy of ABS-CBN
-
Ayon kay Shaina, nanginginig siya nang gawin niya ang kissing scene nila ni Piolo. Bilang deep penetration agent na si Gabrielle, aakitin niya si Noah upang manipulahin niya ito.
"Naku, nanginig po ako talaga! Kahit ang mga mata ko, nanginig sa
nerbiyos! Take four po ang eksena, more than a smack, pero hindi po
naman babad ang kissing namin. Saka I trust naman my directors at very
supportive po si Papa P, kaya maayos naman naming natapos ang eksena," kuwento ni Shaina.
Photography: Courtesy of ABS-CBN
-
Agot Isidro bilang Nessa Raymundo.
Siya ang ina ni Lyka (Angel) na napilitang lumayo at iwan ang kanyang nag-iisang anak para sa kaligtasan nito.
Taglay niya ang katauhan na mapanganib para sa marami, lalo na sa kanyang mga mahal sa buhay.
Photography: Courtesy of ABS-CBN
-
Dimples Romana bilang Trixie, ang matalik na kaibigan ni Lyka. Siya ang costume mistress/mananahi sa House of Elle kung saan sila nagtatrabaho ni Lyka.
Dahil maganda ang naging samahan ni Dimples at ni Angel sa TV series na ito, laging pinagtatanggol ni Dimples ang aktres na laging binabatikos dahil sa paglipat niya sa Kapamilya Network.
Photography: Courtesy of ABS-CBN
-
Nagbabalik ang Bb. Pilipinas 1967 title holder na si Pilar Pilapil sa telebisyon bilang Eleanora Blancaflor a.k.a Lady Elle.
Ang character niya ay kinikilalang sikat at magaling na fashion designer sa buong Asya. Siya ang punong tagapangasiwa ng House of Elle at pinuno ng isang samahan na kung tawagin ay Waya.
Ang glamorosang pananamit niya ang nagtatago sa pinaka-iingatang sikreto ng kanyang pagkatao. Siya rin ang mahigpit at perfectionist na tagabantay ni Lyka.
Photography: Courtesy of ABS-CBN
-
Gio Alvarez bilang Elton.
Uhaw sa yaman at tagumpay.
Creative director siya sa House of Elle. Ugali niya ang magpahamak at magpasabak ng isang tao lalo na kung ituturing niya itong kakumpitensiya sa trabaho.
Photography: Courtesy of ABS-CBN
-
Si Maritoni Fernandez ay isang biochemist na nagngangalang Vivian Lee. Siya ang tinuturing na susi sa pagdiskubre ng gamot na papatay sa mga lobo.
Photography: Courtesy of ABS-CBN
-
Si Zoe (Lauren Young) ang madalas namamagitan sa kapatid niyang si Noah at sa tatay nilang si Gen. Leon kapag nagkakaroon sila ng hindi pagkakaunawaan.
Photography: Courtesy of ABS-CBN
-
Nash Aguas bilang Tikboy.
Ulilang ampon siya ng simbahan. Ang batang makulit na ito ay mahilig mag-imbento ng mga kuwentong mala-pantasya. Hilig rin niya ang mag-alaga ng iba't ibang hayop at may kapangyarihan siya na malaman ang kanilang nararamdaman.
Photography: Courtesy of ABS-CBN
