Entertainment columnist and two actresses file complaint against Rose Flaminiano

Jojo Gabinete
Wednesday, October 22, 2008 @ 04:22PM  |  1121 views

  "Apat lang kami sa maraming biktima ni Mrs. Flaminiano. Sana, once and for all, kung malinis ang kanyang konsensiya, ayusin at linisin niya ang problema, lalo na kami na walang kinalaman at kasalanan," says entertainment columnist Aster Amoyo (right) about Mrs. Rose Flaminiano (left), against whom she filed a complaint before Vice President Noli de Castro.
Photo By: Noel Orsal & Aldrian Poe













Ang aster ay isang uri ng bulaklak na puwedeng tumubo at mabuhay sa "hardiness zones," ayon sa wikipedia, at alam nating lahat, ang rose naman ay isang bulaklak na matinik ang tangkay.

 

Sa showbiz, dalawang personalidad na parehong nagmula sa bulaklak ang mga pangalan ang magkaaway ngayon, sina Aster Amoyo at Rose Flaminiano. Aster vs Rose. Rose vs Aster. Ang mga bulaklak na hindi naliligaw?

 

"Walang kinalaman sa away nila ni Gabby [Concepcion] ang kaso namin. Nagkataon lang," ito ang pahayag ng entertainment columnist na si Aster Amoyo nang makapanayam siya kaninang umaga, October 22, ng PEP (Philippine Entertainment Portal).

 

Ang kaso na isinampa niya laban kay Mrs. Rose Flaminiano ang siyang tinutukoy ni Aster. Si Mommy Rose ang dating manager ni Gabby at siya rin ang may-ari ng RALF Realty and Management Corporation. Ang RALF Realty ang developer ng Rosemont Executive Villa sa Tarlac City.

 

January 2004 nang tulungan ni Aster si Mommy Rose para sa grand launch ng Rosemont. Kabilang sina Judy Ann Santos, Ara Mina, Aubrey Miles, Maui Taylor, at ang yumaong aktor na si Rudy Fernandez sa mga celebrity na kinuha ni Mommy Rose para maging endorser ng Rosemont Executive Village.

 

Dahil kaibigan niya ang mga nabanggit na artista, naengganyo si Aster na kumuha ng isang unit. Nag-fill up siya ng Pag-IBIG housing application at ibinigay niya ito kay Mommy Rose. On the same month, nagbago ang isip ni Aster dahil na-realize niya na masyadong malayo ang lugar.

 

Kuwento ni Aster, "Sinabi ko kay Mrs. Flaminiano na hindi ko na itutuloy ang pagkuha ko ng unit dahil very impractical on my part. Hindi ko nga napupuntahan yung bahay ko sa Tanauan [Batangas].

 

"Sabi niya [Mrs. Flaminiano], walang problema. I took her word for it. Dahil sa tiwala ko sa kanya, hindi ko na binawi ang application and with the hope also na hindi niya ipapasok sa Pag-IBIG ang documents.

 

"Two years after, in August 2006," patuloy ni Aster, "nakatanggap ako ng monthly billing statement mula sa Pag-IBIG. I immediately called her up. Sabi ko, ‘Mommy, ano itong natanggap ko?' Ang sabi niya, ‘Huwag mo na intindihin ‘yan.' At the back of my mind, may duda ako pero pinairal ko ang pagiging magkaibigan namin. Nangibabaw ang respeto ko sa kanya.

 

"Still, pinasulatan ko pa rin siya sa lawyer ko at copy furnished ang Pag-IBIG, San Fernando, Pampanga Branch. Walang sagot si Mrs. Flaminiano sa sulat ng lawyer ko. The following month, nakatanggap na naman ako ng another billing statement. Tinawagan ko ulit siya [Mrs. Flaminiano]. Sabi niya, na-overlook lang. Despite her answer, I started communicating with Pag-IBIG thru my lawyer.

 

"After the second billing statement, hindi na ako nakatanggap ng sulat mula sa Pag-IBIG, pero nakiusap pa rin ako kay Mrs. Flaminiano na ayusin ang problema. Nagte-text ako, hindi niya sinasagot. Tumatawag ako sa bahay niya, palagi siyang wala. I'm also a busy person, pero sinasagot ko ang lahat ng mga tawag sa akin. Naisip ko na talagang ini-ignore niya ang mga tawag ko," lahad ni Aster.

 

Noong August 11, 2008, nakatanggap daw ng final demand letter si Aster at noong Augus

 

Ang aster ay isang uri ng bulaklak na puwedeng tumubo at mabuhay sa "hardiness zones," ayon sa wikipedia, at alam nating lahat, ang rose naman ay isang bulaklak na matinik ang tangkay.

 

Sa showbiz, dalawang personalidad na parehong nagmula sa bulaklak ang mga pangalan ang magkaaway ngayon, sina Aster Amoyo at Rose Flaminiano. Aster vs Rose. Rose vs Aster. Ang mga bulaklak na hindi naliligaw?

 

"Walang kinalaman sa away nila ni Gabby [Concepcion] ang kaso namin. Nagkataon lang," ito ang pahayag ng entertainment columnist na si Aster Amoyo nang makapanayam siya kaninang umaga, October 22, ng PEP (Philippine Entertainment Portal).

 

1  2  3  Next »

Related Articles

Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name