Hindi pa humuhupa ang alitang nangyayari sa pagitan ng SVP for Entertainment TV ng GMA-7 na si Ms. Wilma Galvante at ni Annabelle Rama, ang ina nina Ruffa, Richard, at Raymond Gutierrez at manager nina Heart Evangelista at JC de Vera.
Kaninang tanghali, March 5, ay nagkaroon ng back-to-back presscon ang magkabilang kampo; nauna ang kay Ms. Wilma kasama ang lady executives ng Kapuso network sa 17th floor ng GMA Network Center, at sumunod naman ang kay Annabelle sa Max's restaurant sa Roces Avenue, Quezon City.
Dahil nauna ang GMA-7 presscon sa Annabelle presscon, ang nangyari, naging sagot lahat sa mga sinabi ni Ms. Wilma ang mga inilabas ni Annabelle sa presscon niya.
Tungkol sana sa mga bagong shows ng GMA-7 ang pag-uusapan sa presscon na ipinatawag ng Corporate Communication ng Kapuso network. Magtatapos na ang Luna Mystika, magsisimula na ang All About Eve; kasisimula pa lang ng Dapat Ka Bang Mahalin? sa hapon at ang Totoy Bato sa gabi; at nakahanda na rin ang Zorro.
Ngunit dahil na rin sa nangyayaring hidwaan nila ni Annabelle, naging open at inviting si Ms. Galvante na puwede raw siyang tanungin kahit ano.
Iba naman ang naging pananaw rito ni Annabelle sa two-in-one presscon na ibinigay niya: isa para iharap na si JC sa press at ikalawa para ipakilala ang bagong alaga niya, ang dating Star Magic artist na si Carla Humphries.
"Ginagamit ni Wilma ang pera ng GMA para magpa-presscon siya. Alam kaya ito nina Gozon?" ang unang salvo ni Annabelle kay Ms. Wilma.
Si JC, ang nangyari sa story conference ng Obra, at ang kontrata niya sa GMA-7 ang naging sentro ng usapan sa simula ng presscon ni Ms. Wilma.
WILMA: Story conference ito para sa Obra na magre-relaunch. Sa 7th floor Concept Room ginawa ang story conference na adjacent sa kuwarto ko. Bago magkaroon ng story conference, napag-usapan na ang lahat, plantsado na ang role ng bawa't isa. Ang daming prosesong pinagdaanan ng script ng isang show kaya, more or less, alam na ng lahat ng mga artista ang mga papel nila.
ANNABELLE: Ang pagkakamali ko bilang manager, hindi ako nakarating sa story conference na 'yan. Kasi ang pagkakaalam ko, Obra rin 'yan. Nag-Obra na si JC ng one month, nag-rate naman. Siya lang ang bida. Iniba nila.
WILMA: Working title na lang ang Obra, pero ilalabas ito bilang SRO Cinema Serye, walong weekly continuing episodes at lahat bida. Si JC pa rin ang bida. Si Marvin [Agustin] ang kontrabida. Now, I'm quoting here sa mga sinabi ni Annabelle nang nalaman niya ang lahat: 'Bakit nandiyan na naman si Marvin? Masasapawan siya [JC] ng acting ni Marvin. Bakit nandiyan na naman si Bianca [King]? Dito naiyak si JC at hindi ko pa rin ito alam. Alam n'yo naman ang seventh floor, cubicles and cubicles 'yan, maraming tao. Nakakahiya na may makakita kay JC na umiiyak kaya ipinasok siya sa kuwarto ko.
ANNABELLE: Basahin n'yo ang script, bida-bidahan lang si JC, pero si Marvin ang bida-kontrabida. Nung umayaw na ako, 'tsaka sa akin ipinadala ang script. Inuulit ko, ayokong maging magka-love team sina JC at Marvin! Lahat na lang ng huling shows ni JC, nandoon si Marvin. Sa Babangon Ako't Dudurugin Kita, sa Lalola... Ayaw talaga ni JC, hindi siya happy. Sabi ko sa kanya, kung hindi siya happy, alisin ko siya.
Dito sa puntong ito, si JC na ang pinagsalita kung ano talaga ang nangyari.
JC: Hindi naman po siguro kabawasan sa pagkatao ko kung maiyak man ako. Pressured lang po talaga ako noon. At sinasabi ko nga, hindi na mahalaga kung ano ang nangyari sa loob, ang mahalaga kung ano ang mangyayari pagkatapos.
Pinilit pa rin si JC ng entertainment press kung ano ang totoong nangyari: naiyak ba siya dahil ayaw niya ang script or naiyak siya dahil pinull out siya ng kanyang manager.





dapat tanggalin na si wilma sa gma, hindi na cya nakakatulong
lalo tuloy lumubog sa ratings ang GMA,
napaka konti na lang ng nanunuod
pati yung tadyangan, wala na ring nangyari, nanamlay na ang bituin ni marianne
akala mo naman kasing sinong magagaling din tong mga kapuso fans dito.. eh sa dyan naman kayo namamayagpag sa panlalait..hahah..
manang mana kayo sa mga tao sa GMA like ANABEL and WILMA.... mga .... ewan! hahaha... ang hirap magcomment eh lageng NEGA mga KAPUSO sa totoo lang... parang PANGINOON na tingin nyo sa GMA... di na maganda yan!
mas exciting pa ang giriang ito kesa telenovela ng gma kase involved ang mga sikat na artista at ang mga pwersa sa likod nila. may suspense, drama, pulitika, at kung anu-ano pa! kumpleto lahat sa elemento para maging isang top-rating show!
abangan ang susunod na kabanata!
No to the talents of Annabelle Rama !
No to Annabelle Rama !
No to the talents of Annabelle Rama !
No to Annabelle Rama !
No to the talents of Annabelle Rama !
No to Annabelle Rama !
No to the talents of Annabelle Rama !
No to Annabelle Rama !
No to the talents of Annabelle Rama !
No to Annabelle Rama !
kya po mlaks ang loob nyang si Anabell Rama kc d kau lumlban
this is the time n ipkita nyo sa kanya n u can stand alon without her
ipullout nya talents nya sa GMA7 kung gusto nya..
ndi sila kwalan mrami p nmang talent ang GMA7 n mas mgaling sa talent ni Anabelll....
so true
panawagan lang: wag kau tatanggap ng kahit ano kay anabel, isinusumbat at ipangblablackmail pa sa inyo.
maawa ka anabel sa mga talents mo, gustong magtrabaho hinaharang mo dahil lang sa personal mong capricho. di nman welfare nila inaalala mo e. nagi-ego trip ka! gusto mong ipadama sa lahat na powerful ka. power hungry ka! insecure ka kc kya ka ganyan. walang business ethics!
Lahat naman siguro ng mga anak niya nag-aadvice na sa kanya para humahon at magisip-isip mabuti.
Magkamali pa siya ng isang hakbang tudas lahat alaga niya.
sige na layas na kayo at kahit wala na kayo sa kapuso network, malakas pa rin kami dahil matatalino na ang viewers ngayon at taong bayan! pustahan tayo, mananatiling malakas ang GMA at lalong gaganda ang sistema ng industry.
Sobra na ang babaeng ito.
Sa wakas lalayas na rin si;a sa GMA.
Dali naaa. Layas na