"Hindi credible" at "fake awards" daw ang inilabas na listahan ng YES! magazine ng 100 Most Beautiful Stars ngayong 2009, ayon sa talent manager na si Annabelle Rama.
Ito ay reaksiyon ni Annabelle sa hindi pagkakasali sa listahan ng mga anak niyang sina Ruffa at Richard Gutierrez. Si Annabelle din ang talent manager ng dalawa niyang anak.
Nagpakalat ng text messages si Annabelle sa entertainment press kahapon, June 23, na nakaabot din sa PEP (Philippine Entertainment Portal). Ang naturang text message ay ipinadala ng talent manager sa isang kolumnista na nagsulat ng artikulo tungkol sa 100 Most Beautiful Stars ng YES! ngayong taon.
Bukod sa kolumnista ay ifinorward din ni Annabelle ang kanyang text message sa iba pang entertainment press, na ang karamihan ay ipinasa naman sa iba ang naturang mensahe dahil sa huli ng kanyang text ay may nakalagay na "Plz pass."
Narito ang kabuuang text message na ipinadala ni Annabelle:
"Hi dis s Annabelle, nabAsa ko yung column mo dis morning re dalawang magkapatid di nasali sa pagpili ng mOst beautiful faces in d showbiz. Ang sagot ko: Wala akong pakialam sa award galing sa isang local magazine na hindi naman credible.
"Importante panalo ng award c Richard for being #1 primetime King. Until now #1 pa rin ang zorRo. Nagpapasalamat c chard sa taong bayan at mga supporters nya sa t.v. and movie, sa walang pagsawang pagtangkilik sa kanya. Mas importante sa akin ang rating ng show at box office receipts ng movie.
"C ruffa naman nakadisplay pa rin ang award nya sa ms. world secOnd pRincesS. Tinalo nya ang mga kasama nyang 83 contestants sa ibat ibang nation.
"Di ba mas boNgGa ang mga awards na natanggap ng magkapatid? Expected naman yun, paano manalo ng awards ang mga anak ko, ang nagbigay ng award galing sa isang taong nakadEmanda dahil sa pagsusulat ng imbentong storya. We don't expect anything from them, specially fake awards. Plz pass."
THE SELECTION. Sa launching ng YES! 100 Most Beautiful Stars 2009 noong Lunes, June 22, ay ipinaliwanag ng editor-in-chief nitong si Ms. Jo-Ann Maglipon ang naging basehan nila sa pagpili ng mga nakabilang sa kanilang listahan ngayong taon. (Click here to read related story.)
"If you ask me kung ano yung criteria for choosing, it's a mix. It's an alchemy, it's a chemistry that's very hard to explain. But you know that we put together the attitude of the star, the look of the star, the spunk of the star, the intelligence of the star, or the acting prowess of the star, the longevity of the star, or the hotness of the star... Hindi namin tinitingnan lang sa mukha o katawan. It's a whole chemistry that led itself to being beautiful," paliwanag ni Ms. Maglipon.
Sinagot din ng editor-in-chief ng YES! ang tanong kung bakit hindi nakasali sa listahan ang mga anak ni Annabelle na sina Ruffa at Richard.
Aniya, "Many of the stars that you saw in Edition 1 and Edition 2—including Ruffa, Gretchen Barretto, Kris Aquino—are not in this list now. It's just because of the categories that we chose and, like I said, the YES! list is always going to be subjective as any list on beauty will be.
"Laging hinahanapan ng kulay ang lahat ng bagay. Pero honestly, as an editor, I don't move from all this baggage. I try to work as cleanly and as honestly and uprightly as I can."






stop talking lika an indio huh.
kalurkey ang comment mo, si marian kahit baligtarin mo man ang mundo, with or without makeup, talagang maganda sya!
at sinoka para magbigay ng criteria?? enmplyado ka ba ng yes mag? e lahat ng criteria na sinabi mo meron si marian! INGGIT ka lang!
pero sa issue ni bisaya, honestly may mali talaga sa gionawa ng yes! bakit nga ba hindi nasali si ruffa and richard??
obvious na ginawa ng yes yan to pull down the fame of the guitierezes. sana isinantabi ng yes mag ang demandahan! kasi its very obvious that they are doin this to insult annabelle!
for me, richard guittierez is the most handsome actor in showbiz, second lang si dingdong!
sa abscbn stars, WALA! lahat dun hindi naman straight! eeeew! papa rin ang gusto ng mga kapam actors!
basta sa gma7 lahat magaganda, mahuhusay umarte, mapadrama, comedy, at action pati fantasy!
1. Attitude of the star
2. Spunk of the star
3. Acting prwoess
4. Longevity
5. Hotness of the star
yan, deserving ba si marian? go figure...
ikaw anung na achieve mo? hindi madali ang mapili bilang 2nd princes of all the 83 beautiful candidates all over the world...kaya mo yan? naman...kahit hindi ako fan ng mga gutierrez,for me they are one of the beautiful faces in the phils...at bkit naman nasali pa dyan c jolina?! haler?! nagpapatawa ba kyo?!!!
dapat lang noh......
kinasohan nyo na nga ang PEP.PH tapos ngayon atat na atat pa kayong i-publish mga anak mo.....
baka gusto ni monster na isali din sya sa list.......
buti di ka binabangongot pag gabi taray devilnabil