Nang makatanggap ng tawag si Mark Lapid mula sa abogado niya sa Las Vegas, hindi niya alam na napakagandang balita pala ang sasabihin nito.
"Good news daw kasi nga binata na raw ulit ako!" natutuwang ikinuwento ni Mark sa PEP (Philippine Entertainment Portal) noong second birthday celebration ng anak niyang si Mischa Amidala, September 19 sa Porac, Pampanga.
Na-grant na ang annulment ng kasal ng former Pampanga governor sa Korean national na si Yuri Park. Meron silang three-year-old son.
Pero ang good news ay hindi lang para sa kanya, "but for my future wife, Tanya," ngiti ni Mark, na ang tinutukoy ay si Tanya Garcia, ang ina ni Mischa.
Sabi ni Mark nang makapanayam namin siya, "I'm really happy kasi matagal na naming ipinagdarasal ito ni Tanya."
Kung matatandaan, noong May 7, 2007, biglang lumabas ang balitang kasal pala si Mark at may anak kay Yuri Park. Nabalitaan ding two months pregnant ang girlfriend niyang si Tanya. Lumabas ang mga balita noong kasagsagan ng election, noong tumatakbo for re-election si Mark as governor of Pampanga. Natalo si Mark sa naturang halalan.
February 12, 2007 nag-file si Mark para mapawalang-bisa ang kasal niya, na-grant yung petition nitong September 8, 2009.
"All I need to do now ay asikasuhin na lahat ng papers para maayos na lahat. Then I can move on at matupad na ang mga plano namin ni Tanya at sa anak naming si Mischa, at sa magiging mga anak pa namin."
PRAYERS ANSWERED. Hindi raw tumigil si Tanya sa pagdarasal na one day ay magiging maayos na ang lahat para sa kanilang dalawa.
"Actually, nagulat din ako at wala akong masabi. I was so speechless noong ibalita sa akin ni Mark that his marriage was annulled na. Niyakap ko siya at hinalikan.
"I'm happy for him kasi noong unang lumabas 'yon, he was really bothered. Na-stress siya talaga. Hindi ko na nga inalala ang kalagayan ko that time. I was having a difficult time noong buntis ako, pero inalala ko pa rin si Mark.
"What's good about Mark is that he kept his cool. Kahit alam kong nai-stress siya, ayaw niyang iparamdam sa akin or sa family niya. Ibinigay na lang namin ay ang moral support and prayers na things will be okay very soon.
"Mabilis pala ang two years, di ba? Parang hindi rin namin napansin na tumagal din. Naging inspirasyon kasi namin ay ang anak naming si Mischa who just turned two years old. Kaya nga double celebration itong birthday party niya. One is Mischa's birthday, at second ay yung pag-grant ng annulment ni Mark.
"We feel so blessed kasi yung dasal namin ay natupad and God is really good to us. Though we both made mistakes in the past, we are all given a second chance," nakangiting sabi ni Tanya.
DREAM WEDDING WILL BE SIMPLE. Ngayong malaya na si Mark, pinaplano na ba nila ang kasal nila?






Mark ur a narcissist and a skilled liar, you are same as your father. Top corrupt officials in Pampanga.
argh, kainis.
Very insensitive.
Manang-mana sa ama nya.
Bakit nga pala noong governor pa tatay nya yung road to Baguio sa Pampanga puro craters pero yung bahay nila mansion???
Tanya bakit syalang pinatulan mo???
saan naman ang logic nyan.
Natawa nman ako s sinabi m n mukhang nagpatahi ng upper lip c Mark...tulo tuloy sipon k s kakatawa! D n dpat HOT item ito dpat COLD item kc matagal ng nsa freezer mga career nila.
ano kaya feeling ni mark lapid? parang virgin ulit ganon?
kasi parang walang pinag iba ang binata dati at binata ulit eh...... ay ewan ang gulo!
WHAT COMES AROUND GOES AROUND
preho din yun di ba? kasi hindi naman lahat eh left-handed eh....ako right-handed.. kaya tama yan inglis ko ano?
user na jutay pa daw oh, panget pa!
pagdating ng araw, ano kayang sumbat saka karma ang darating sau mark pag may isip na ung nauna mong anak sa mga pinag gagawa mong pag abandona sa knilang mag ina...
hay kapal muks tlga
are they trying to convince us? na wala naman akong paki kung binata na ulit siya...OR are they trying to convince themselves? na ngayon lang lumabas ang kataksilan nila...
eniwey, sige bahala kayo sa buhay nyo! malalaki at matatanda na kayo, so ano ngayon ang susunod? baka may pang apat pang article about same issue ha, naku! pleaasse naman wala na bang ibang issue?