Nagpaunlak ng sit-down interview ang businesswoman na si Mikaela Bilbao kay John "Sweet" Lapus para sa Showbiz Central kahapon, October 11.
Ang naturang interview ay may kaugnayan sa isyung lumabas dito sa PEP (Philippine Entertainment Portal) tungkol sa text messages na ipinadala umano ni Mikaela sa dating aktres na si Ana Abiera, kung saan binanggit din ang mga pangalan nina Gretchen Barretto, Pops Fernandez, Dody Puno, at Sen. Miriam Defensor Santiago. Sinagot na rin ni Mikaela ang isyung ito sa panayam sa kanya ng PEP. (CLICK HERE to read related story.)
"Just stressed!" ang nakangiting tugon ni Mikaela nang kumustahin ni Sweet. Kaya sabi ni Sweet, iisa-isahin daw nila ang mga isyung nagpapa-stress dito. Una na nga ang lumabas sa PEP tungkol sa text messages na diumano'y ipinadala niya kay Ana. (CLICK HERE to read related story.)
"Masamang-masama ang loob ko dahil tahasang pinaratangan ako nang walang basehan. Kasi, hindi ako ang nagpadala ng text message na yun," sagot ni Mikaela habang nakatingin nang diretso sa camera.
Sa palagay mo, bakit nasabi ni Gretchen yun sa short interview niya sa PEP na sinabi raw ni Ana, or bakit sila nag-conclude na sa 'yo galing yun?
"Hindi ko alam kung bakit ako ang pinupuntirya ngayon. I don't have any idea. First, I am not from show business. Second, hindi ko 'to linya. Hindi ako dapat nandito."
Ang mga text message ay hinimay-himay ni Sweet kay Mikaela.
First text message: "Alam ni Gretchen at Pops kung sino ako. Matagal akong nananahimik at nagpapagaling pero ayaw nila akong tantanan. Puwes sa senado kami magkikita. Wala akong kinakatakutan kahit sino pa. Alam ko Ana na humingi kayo ng 500k na advance sa Serena kasama mo si Gretchen. I recorded my conversation with Jenny Munar."
May alam ka ba regarding Serena? May idea ka ba?
"Wala po," maikling sagot ni Mikaela.
Do you know anyone by the name of Jenny Munar?
"Jenny Munar is my client. Restaurant owner at saka siya yung napapayat namin ng limang treatment lang. Other than that, wala."
Second text message: "Pakisabi sa dalawa mong alaga... Hindi ko sila tatantanan at hindi ko sila uurungan. Mismong tatay ko binaril ko, mismong anak ko hindi ko inuurungan. Sino sa tingin nyo kayo? Gusto kong malaman kung gaano kayo katapang. Nananahimik ang buhay ko pa-letter-letter pa kayo. Antayin ninyo ang sagot ko."
Question, ang tatay mo ba, binaril mo?
"Hindi ko po binaril ang tatay ko!" sagot ni Mikaela.






CONTINUATION......During the meeting that was held in Serena Restaurant those present were Ana Abiera and Greta and the Contractor. Greta wanted a 500k downpayment on the deal and she stated that mika was out of the picture. for mika this was perfectly OK because it is not her line of business and if its not her then she said it's not for her. As of present mikaela has all hard factual evidences about all of these and she just came out because greta dragged her name into the texting issue. IF YOU GUYS REALLY WANT THE ACTUAL TRUTH AND FACTS, MIKA WILL SHOW IT TO U. Go and see her, She has already subjected herself to a lie-detector test to prove that what is stated here is WHAT ACTUALLY HAPPENE
mikaela ang matapang humaharap sa kung anuman ang sinimulan hindi nananakot if u have evidence then show it to the public and dont threat anyone....i will beleive on u if u can show proof sa mga ibinibentang mo at saka wag ka ng magtago sa text na anonymous sabi mo nga matapang ka at walang inuurungan.
un binrail ang tatay interviehin mga kasambahay nya apti ang ama ng mapatunayan nga hehe....u probably just jealous sa kapalaran ni gretch isali mo na yan iyong source na maraming mantika.