Last November 20, nagdesisyon na ang Professional Regulation Commission (PRC) na tanggalan ng lisensiya bilang medical doctor si Hayden Kho Jr. Ito ay may kaugnayan sa reklamong isinampa ni Katrina laban sa cosmetic doctor.
Ayon sa desisyon ng PRC, napatunayan nilang guilty of immorality and of dishonorable and/or unethical conduct si Hayden.
Sa interview niya sa Startalk with Ricky Lo, ang una raw na nadama si Katrina nang malaman ang desisyon ng PRC ay "parang medyo nabawasan ako ng tinik sa dibdib. Kasi parang isa rin yun sa pabigat sa akin, kasi isa rin yun sa ipinaglalaban ko. So, maraming salamat po sa PRC sa desisyon nila... Talagang ipinagdasal ko pong talaga na sana, mabigyan ng hustisya ang ipinaglalaban ko."
Kumusta naman ang kaso sa korte, kailan ang hearing ulit?
"Sa ngayon po, hinihintay na lang po namin kung sino po ang hahawak ng kaso."
Paano niya pinaghahandaan ang hearing na yun?
"Basta po nagdarasal po ako na sana po, makuha ko po ang hustisya."
Ngayong ni-revoke na ng PRC ang lisensiya ni Hayden, nararamdaman ba niyang malakas ang chance ng kaso niya sa korte?
"Malaki pong tulong sa kaso ko yung naging desisyon ng PRC. Pero siyempre, pinapaubaya ko na lang po sa Diyos ang lahat at sa korte. Ayoko naman pong magsalita na panalo na ako, na ako ang lamang."
NO MERCY. May nararamdaman ba siyang kahit katiting na guilt dahil natanggalan na ng lisensiya si Hayden?
"Kahit konti po, wala. Kasi kung nasira siya, sinira rin naman niya ang buhay ko. At lumalaban po ako hindi lang po dahil sa akin kung hindi sa lahat pa ng mga taong ginawan niya ng kababuyan niya."
Naulat sa isang pahayagan na after lumabas iyong video scandal, marami raw ang nakisimpatiya sa kanya at balitang umabot daw ng half a million pesos ang tulong na natanggap niya.
"Actually, nagulat ako dahil hindi ko po akalain na may mga tutulong. Wala naman po akong sinasabihan na wala akong trabaho at wala akong pera. Kabibili ko lang po ng bahay ko noong February, di ba? Noong May plinano ko na po siyang ibenta... Noong December, wala na akong mga lumabas.
"Actually, may mga nag-pull out pa. Pati movie ko, hindi ko na... ang dami na pong nawala. Pati projects, mga shows, so, natengga ako sa bahay. Tinanggap ko lahat yun dahil yun po ang consequence sa nangyari."
Kilala ba niya kung sino ang mga nagbigay ng tulong sa kanya?






Sis,
Eat Bulaga,
Daisy Siete,
Kaya Kong Abutin Ang Langit,
Tinik Sa Dibdib,
FAMILY FEUD to be hosted by Dingdong,
Ikaw Sana,magkakabalikan na ba sina Eliza at Michael?
24 Oras,
DARNA, ang book 2 at pagdating ng mga bagong villains sa katauhan nina Regine, Rochelle, Katrina, Akihiro, Jackie Rice, etc.Anong mga katauhan nila? Huling laban na nga ba ng lider ng natitirang Babaeng villains na si Linta? Matutulungan na nga ba ni Darna si Aleli? Ipagtatapat na ba ni loleng ang katotohanang anak ni Alicia si Narda? Lalaki na nga ba si Serpina?