Kung anu-anong masasakit na salita ang itinatawag ngayon sa young actress-singer na si Lovi Poe. Nung time daw kasi na boyfriend pa niya ang young actor na si Jolo Revilla ay may relasyon din siya diumano sa businessman na si Ronald Singson, anak ni dating Governor Chavit Singson. Pinagsabay diumano ni Lovi sina Jolo at Ronald.
Nang mabasa raw ni Lovi sa isang pahayagan ang mga paratang sa kanya ay iniyakan niya ito, pag-amin ni Lovi nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng Sagrada Familia kagabi, January 10.
Nasaktan ba siya sa nabasa niyang negative write-up sa kanya na naging dahilan ng kanyang pag-iyak?
"Actually, hindi ko po masyadong ina-update na yung sarili ko sa mga naglalabasang write-up sa akin," sabi ni Lovi. "I try not to hear kasi... ayoko kasi. Kaya kong i-defend kasi yung sarili ko, but pag ginawa ko yun... Siyempre may pangalan na parang mabibigyan ng masama, basta masisira yung name ng taong... I dont know... basta."
Ano ba talaga ang real score sa kanila ni Ronald? Boyfriend niya na ba talaga ito?
"Siyempre ako, I have nothing to offer to anyone but friendship lang. Gusto kong i-prioritize yung pag-aaral ko at yung career ko. Yun muna ang inuuna ko ngayon," saad niya.
Pero lumalabas ba sila ni Ronald na silang dalawa lang?
"Lumalabas kami, pero marami kami. Magkakabarkada kami kung lumalabas," sagot ni Lovi.
Once and for all, nanliligaw ba sa kanya ngayon si Ronald?
"A, nanliligaw siya," pag-amin ng dalaga.
Malaki ba ang pag-asa ni Ronald sa kanya?
"Friends muna. Kasi parang ang gulo-gulo ngayon. Ayoko munang lalong umano yung feelings ko," sabi niya.
Totoo bang nang maghiwalay sila ni Jolo ay binawi ng huli ang iniregalo nito sa kanyang kotse?
"Ako kasi, ayokong i-elaborate, e. Sorry talaga. Kasi masyadong mahirap i-elaborate yung mga details," pag-iwas ni Lovi.
LOVI'S MOM AND LATE DAD. Sa mga negative write-ups na nakukuha ni Lovi ay mas apektado ang kanyang ina na si Rowena Moran.






ang importante alam mong wala kang ginagawang masama.