John Prats opens up about past with Shaina: "Nandito na ako sa stage na accepted ko na."

Trisha Alvarez
Friday, April 16, 2010 @ 06:26PM  |  9581 views


The last time John Prats and Shaina Magdayao had a talk was "last year," according to the actor-dancer. But he chose to keep mum about the real score, "Kasi wala naman akong gustong sabihin, e. Kumbaga, yun yung stage ng buhay mo na  ayaw mo nang magsalita. Parang  gusto mo nang manahimik kasi, ayaw mo rin naman nung nangyari. Hindi ko rin naman gusto yung nangyari."














Naghahanda para sa kanyang production number sa bonggang launching ng TV5  si John Prats nang makausap siya backstage ng PEP (Philippine Enetrtainment Portal). 

Umpisa pa lang ay sinabi na agad ni John na hindi siya ang unang nanakit sa ex-girlfriend niyang si Shaina Magdayao noong nagkahiwalay sila.

"Nilinaw ko na naman po, e. Sabi ko nga, ibigay na lang natin ng respeto kung saan sila masaya," sabi ni John.

Aware si John na nali-link na ngayon si Shina sa aktor na si John Lloyd Cruz.

"Oo naman, may nababalitaan pa rin ako. Kung may gawin ka man o may hindi ka man gawin, wala  rin namang mangyayari."

Hindi ba niya sinubukan na isalba ang relasyon nila ni Shaina?

"Of course on my part, I've really tried my best.  Lagi naman sa lahat naman ng ginagawa ko I always try my best para no regrets and now,  I am here...in my life  na talagang wala akong regrets"

Nasasaktan pa rin ba siya?

"Siyempre nung una  masakit, but eventually, okey na ako ngayon."

Sinabi ni Ruffa Gutierrez sa kanyang interbyu sa launching din ng TV5 na she's the first to know sa relasyong John Lloyd at Shaina. August of 2009 pa lang daw ay alam na niya na may nangyayari kina John Lloyd at Shaina.

"Ay, wala po akong alam doon."

Kailan ba niya nalaman ang tungkol kina John Lloyd at Shaina?

"Actually, hindi ko na matandaan kung anong date. Wala, na-lose track ako nung mga panahon na yun. I really lost track of dates.   Siguro nga, ganun talaga ang buhay,  'no? Parang  siyempre, lahat naman tayo, ako rin, kaya nga  kapag tinatanong na ako  kung siya na ba talaga nung dati, di ba,  sabi ko, 'sana.'

"Sana kasi  open pa  rin talaga ako sa possibility na puwede pala talagang mangyari na hindi kayo mag-e-end. Hindi siya fairy tale...hindi lahat happy ending"

Bakit may tsismis na he's trying to win back Shaina?

1  2  3  4  Next »

Related Articles

98 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name