Paolo Contis denies stopping girlfriend Lian Paz from returning to showbiz

Rose Garcia
Tuesday, June 01, 2010 @ 02:34PM  |  48 views


  "Napag-uusapan naman namin yun at alam naman niya kung ano ang mga plano. She's very open dun sa fact na inuuna namin ang work at saka si baby. Alam din niya na gusto ko, si baby, flower girl. It will take another two years, if ever. Pero hindi siya reason for pressure for both parties. Walang ganong pressure," says Paolo Contis about wedding plans with girlfriend Lian Paz.

Photo By: Noel Orsal













Aminado ang aktor na si Paolo Contis na maraming nabago sa kanya mula nang maging ama siya. Halos hilahin na raw niya ang oras kapag nasa trabaho para lamang makauwi at makasama si Xonia Aitania, ang kanilang three-month-old baby ni Lian Paz.

Super hands-on daddy ang aktor, base na rin sa kuwento ni Paolo nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at iba pang entertainment press sa presscon ng Pilyang Kerubin kagabi, May 31, sa Studio 5 ng GMA Network Center.

Kuwento niya, "May yaya kami, pero our yaya is more on clothes. Minsan, kapag kailangang mag-alaga, nag-aalaga talaga. Pero kapag puyatan, ako talaga. Kung may nabago man, marami rin. But I guess it's more on positive. Wala namang masamang naidulot.

"Siguro yung ano lang, katamaran kong magtrabaho. At saka inaano ko yung kung ano ang oras ng call time ko. Sinisigurado ko kung kukuhanan na ako kasi sayang naman at gising ang anak ko. Tapos, sila na rin ang nagsasabing, 'Sige, tatawagan ka na lang namin kapag shoot na.'"

Posible bang maging strict daddy siya sa kanyang anak?

"Well, tingnan natin!" natatawa niyang sabi.

XONIA'S CHRISTENING. Pinagpaplanuhan na rin nina Paolo at Lian kung kailan ang magiging binyag ng kanilang baby. Balak nila na sa end of July ang binyag bago ang plano nilang mag-out of town.

"Gusto sana namin end of July kasi aalis kami ng first week of August, dadalhin namin si Xonia. Bakasyon lang naman. I'm bringing Xonia and Lian in Marinduque, sa Bellaroca [resort]. Medyo matagal na kami ni Lian na hindi nagbabakasyon, at first vacation din yun ni baby. Pero gusto namin na bago kami umalis, mabinyagan muna siya," saad ni Paolo.

May mga naka-lineup na rin daw silang mga ninong at ninang na kukuhanin.

"Hindi pa lahat 'to, pero si Tito Joey de Leon, Kuya Bitoy [Michael V]... Si Direk Dominic Zapata, Dingdong Dantes, Raymart Santiago, Benjie Paras, at yung iba ko pang mga kaibigan na hindi showbiz. 

"Sa ninang naman, si Jinkee Pacquiao, si Dra. Vicki Belo, Nadia Montenegro, Marilen Nuñez; ang mga friends ni Lian na hindi showbiz, her EB Babes friends, Ms. Lilybeth Rasonable, Ms. Winnie Reyes at mga katrabaho ko sa GMA," banggit ng aktor.

NOT STOPPING LIAN. Wala rin naman daw katotohanan na pinagbabawalan na niya si Lian na magbalik sa showbiz.

"Nasa kanya naman yun kung gusto niya or what. Ang tinitiyempo lang naman namin if ever she works that day, yung wala akong work para may tao kay baby. Noong magkaroon siya ng guesting, I made sure na wala siyang taping kaya sabi ko, sige, buong araw. Ulirang ama naman ako nun!" tawa ni Paolo.

Wala rin naman daw compromises of dos and don'ts niya for Lian.

"Wala naman. She's not getting any younger. I'm not getting any younger. It's okay for me if she doesn't work agad. If they get her, okay lang," sabi ng dating child actor.

1  2  3  Next »

Related Articles

12 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name