Kinasuhan ng isang printing company ang aktor na si Diether Ocampo at ang kanyang business partners matapos nilang hindi mabayaran umano ang pagkakautang na P3.6 million para sa pag-imprenta ng ilang issue ng isang men's magazine.
Sa kasong isinampa ng Velprint Corporation sa Quezon City Regional Trial Court, hiniling nito na pagbayarin si Diether at ang mga partner nito na si Neil Angelo Romero at 5 Leaf Publishing Inc sa kanilang pagkakautang.
Ayon kay Leonardo Uy, general manager ng Velprint, inilathala raw nila ang mga issue ng UNO magazine mula Hunyo hanggang Disyembre ng nakaraang taon. Ayon sa kontrata, P4.1 million dapat ang kabuuang bayad na matatanggap ng Velprint mula kina Diether.
Dagdag ni Uy, P490,000 pa lamang umano ang natanggap nilang bayad. Na-reject daw ng bangko ang ilang postdated checks na ginamit na pambayad para sa mga transaksyon.
Ang nasabing kaso ay nasa sala na ni Judge Bayani Vargas ng Branch 219 ng QCRTC.
Hiningan ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Diether ng komento, at sumagot naman ito sa pamamagitan ng dalawang text messages (published as is).
Aniya, "I have not received a copy of the complaint which was allegedly filed in the QC courts as reported in the news. I have already divested my shares in 5 Leaf Publishing. Its best that they get in touch with 5 leaf's management (Butch Romero) to address this issue. I asked my lawyers to look into it to make sure everything's okay."






lagot ka kai johnny manahan! bakit ba mrs. M ang tawag mo sa kanya? siguradong sasabog sa galit yun. gusto kasi niya Miss M ang itawag sa kanya at hindi mrs. M! hekhekhek
isa ka ba sa staff sa accounting department ng printing press. just asking. dont worry hindi lang siguro na clarify nila ang usapan baka nagka misinterpret lang siguro some of their co partner and the side of printing press. dont worry dulcinea
jompalin_moko
September 7, 2010
19:24 PM
malaki o maliit man ang share niya dun, e kung name nia ang naka-register as owner -- lagot pa rin sia. e kung sia pa mismo ang nag-issue ng talbog na cheke, ay sus, demanda pa rin yun.
pabima
September 7, 2010
19:45 PM
may responsibilidad pa rin siya sa pinagkuhanan nya ng serbisyo, sa pag-imprenta ng magazine nila, at hindi malayong may contrata sila ng printing company.
ang contrata nila is from june 2 to december 29, 2009. ibig sabihin tumupad sa usapan yung printing company, at ang grupo ni diet ang hindi tumupad sa usapan pagdating sa bayaran.
e kung paulit-ulit na talbog ang mga chekeng ipinambayad nila, knowing nila na wala na itong pondo, panloloko yun.
kaya magtatanggal pa sila ng 200 employees para may pang project.
LOL