Annabelle Rama on rift with Angeli Pangilinan-Valenciano: "Hindi pa closed yun kasi wala naman siyang sinasabing sorry."

Glen P. Sibonga
Friday, October 29, 2010 @ 07:03PM  |  10083 views


    "Kung nagparetoke man ang ibang artista, wala siyang pakialam doon. Mind your own business. Huwag ka nang makialam para wala kang kaaway. Yun lang ang advice ko sa iyo," says Annabelle Rama (left) about Angeli Pangilinan- Valenciano (right).

Photo By: Noel Orsal













Para kay Annabelle Rama, hindi pa tapos ang isyu tungkol sa nangyaring iringan sa pagitan nilang dalawa ng kapwa niya talent manager na si Angeli Pangilinan.

Sangkot sa iringan ang panganay na anak ni Annabelle na si Ruffa Gutierrez.

"Hindi ko masasabing sarado ang isyu dahil hindi naman siya nagte-text sa akin. Hindi siya nagso-sorry kay Ruffa.

"Para sa akin, hindi pa closed yun kasi wala naman siyang sinasabing sorry. Kung magso-sorry siya, tatanggapin ko."

Ito ang naging pahayag ni Annabelle kahapon, September 12, sa kanyang guest appearance sa TV5 showbiz talk show na Paparazzi, kung saan isa sa mga host si Ruffa.

Si Annabelle ang namumuno sa family-owned company nilang Royale Era Entertainment & Artist Management.

Kabilang sa mga talent ng Royale Era ay ang asawa ni Annabelle na si Eddie Gutierrez at ang mga anak nilang sina Ruffa, Richard, Raymond, Elvis, at Ritchie Paul.

Ilan pa sa mga artistang mina-manage ni Annabelle ay sina TJ Trinidad, JC de Vera, Michelle Madrigal, Ehra Madrigal, Miriam Quiambao, Bubbles Paraiso, Ynna Asistio, at iba pa.

Si Angeli naman ang namamahala sa Manila Genesis Entertainment & Management Inc., kung saan ang pinakamalaking artist nila ay ang asawa ni Angeli na si Gary Valenciano.

Nasa roster of talents din ng Manila Genesis ang mga anak nina Angeli at Gary na sina Paolo, Gab, at Kiana.

Ang iba pang artists ng Manila Genesis ay sina Jericho Rosales, Donita Rose, Leo Martinez, Candy Pangilinan, Nanette Inventor, Jamie Rivera, Hilda Koronel, Duncan Ramos, at iba pa.

Incidentally, naging talent din ni Angeli si Ruffa for a short period of time. Ito ay noong panahong hindi pa nagma-manage ng mga artista si Annabelle.

CAUSE OF RIFT. Nagsimula ang alitan ng dalawang talent managers nang kumprontahin ni Annabelle si Angeli sa birthday party ni Ogie Alcasid noong August 27 sa Ayala Heights, Quezon City.

Ang dahilan ng kanilang alitan ay ang hindi raw magandang komento ni Angeli kay Ruffa.

Ayon sa mga naglabasang mga istorya sa tabloids, pinayuhan daw ni Angeli si Ruffa na huwag nang ipagalaw o iparetoke ang mukha nito dahil likas na itong maganda.

1  2  3  4  5  6  Next »

Related Articles

162 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name