Isa sa pinakamatalik na kaibigan ni Camille Prats sa showbiz si Angelica Panganiban.
Kaya naman sa presscon ng kinabibilangang primetime series ni Camille sa GMA-7, ang Bantatay, hindi maiwasang hindi siya matanong tungkol sa alitan sa pagitan ni Angelica at ng kasamahan nila noon sa AngTV na si Claudine Barretto.
"Ako, ang wish ko, sana maayos. Sana mapag-usapan, tapos ayusin," asam ni Camille nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng Bantatay kagabi, September 14, sa Studio 5 ng GMA Network Center.
Dagdag niya, "Kasi si Angel at si Ate Claudine, sobrang close sila, as in sobrang close talaga sila."
Pare-parehong galing ng ABS-CBN sina Camille, Angelica, at Claudine. Ang una nilang pinagsamahang proyekto ay ang defunct youth-oriented gag show na AngTV, kung saan nagsimula sina Camille at Angelica bilang child stars, at si Claudine bilang teen star.
Tumanggi si Camille na isiwalat ang bersiyon ng kuwento ni Angelica tungkol sa mga akusasyon sa kanya ni Claudine.
"Huwag na nating... Well, of course, it's between the two of us," iwas ng 25-year-old actress, kasunod ang komento na "naloloka" siya dahil siya ang natatanong tungkol sa isyu sa kaibigan.
"Sana ako na yung involved sa intriga, di ba? Pero hindi rin, okey na akong tahimik!" natatawa niyang sabi.
Ano ba ang tunay na nararamdaman ni Angelica sa mga nangyayari sa kanilang dalawa ni Claudine at sa akusasyong sinisiraan niya ito?
"Siyempre, she's sad," sabi ni Camille.
"Kahit sino naman pong tao, if you have a problem with someone close to you, masakit yun, kawalan yun, e.
"Pero siyempre, in a way, hurt din siya, nasaktan din siya. Basta, sad siya at saka hurt siya."
DEFENDING ANGELICA. May mga nagsasabing may pagka-tactless si Angelica. Ano ang masasabi ni Camille dito?
"Siguro nami-misinterpret lang po siya kasi sobrang upfront. Very upfront, very honest.
"Alam mo yun, na kapag magsalita siya, kung ano lang yung totoo. Kasi yun ang napi-feel niya.






may nagsabi lang sa akin na may nahuli daw si shaina na text kay jp...yun lang hahaha
balik ka na dun sa mga issue na kinasangkutan ng idol mo. dami mo kaaway dun eh hahaha!!
at saka yung press ang nagtatanong sa kanya about sa mga kaibigan niya, hindi nya ginagamit ang mga kaibigan niya para magpromote okay
miski si bea alam kung bakit naghiwalay si shaina at jp...
go go go
hi miss minchin!
nonood kami show mo sa GMA promise. . .