Isa pang beauty queen ang naglabas ng kanyang saloobin tungkol sa founder at chairman ng Binibining Pilipinas Charities, Inc. (BPCI) na si Stella Marquez Araneta. Ito ay ang Bb. Pilipinas-World 2007 na si Maggie Wilson.
Sa presscon kagabi, October 12, ng kinabibilangang primetime series ni Maggie sa GMA-7, ang Beauty Queen, ay naungkat ang tungkol sa nangyari sa kanya nang sumali siya sa Miss World beauty pageant, na ginanap sa Sanya, China, noong 2007.
ELUSIVE TITLE. Nagsimula ang lahat nang naitanong ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Maggie kung bakit sa palagay niya ay mailap ang Miss World crown sa Pilipinas.
Sa major international beauty pageants kasi ay tanging sa Miss World lang wala pang korona ang Philippines. Mayroon na tayong dalawa sa Miss Universe (Gloria Diaz in 1969 and Margie Moran in 1973) at apat sa Miss International (Gemma Cruz in 1964, Aurora Pijuan in 1970, Melanie Marquez in 1979, and Precious Lara Quigaman in 2005).
Ang pinakamalapit na nakuha nating puwesto sa Miss World ay nang maging first runner-up si Evangeline Pascual noong 1973.
Ayon kay Maggie, "I don't think there's a problem. I just think if it's really for you, it's really for you, di ba?
"Kung naging beauty queen ako, kung nanalo ako, e, di hindi ko makikilala yung magiging asawa ko, di ba?"
Ang tinutukoy ng beauty queen-actress ay ang businessman na si Victor Consunji, na papakasalan niya on December 18, 2010.
"So I'm happy where I am now," patuloy ni Maggie. "I think also the girls need to be trained some more. Kailangan nila ng mas...a lot more training."
Sa palagay ba niya ay kulang ang training sa mga beauty queen dito sa Pilipinas?
"Oo. I think talaga kulang ang training," sagot niya.
MAGGIE'S REVELATIONS. Pagkatapos nito ay may nagtanong kay Maggie kung nakuha na ba niya ang lahat ng premyo niya sa pagiging Binibining Pilipinas winner.
"No comment!" ang natatawang isinagot ni Maggie.
"Off the record, sasabihin ko sa inyo," pahabol pa niya.
Hindi kaya magalit sa kanya si Mrs. Marquez-Araneta sa reaksiyon niya?






it is intriguing that many of the bb. pilipinas winners complains about its management... there is something wrong with her... imagine the endless issue about citizenship of several bb. pilipinas winners??
i love her!
eh anong tawag mo sa pag iyak iyak ni Gerald. Mas malaking gimik yun. itong echosera na to.
victor consunji - total hotnes - total millionaire
not unless they capitalize on their looks. Kasi naman, ang disparity ng income sa babae at sa lalaki, sa ganitong mga bansa, napakalaki. Nabasa mo na ba ang forced retirement sa mga Flight Attendants sa Pinas? Age 40? May ganyan ba sa US?
===================================
Pnasin ko nga sa US, kahit matatanda kahit mga lola na ang flight attendants eh nakakapagtrabaho pa sila. sa Asia ata, bawal ang pangit, mataba or matandang FA
lahat naman ata ng nananalo sa Bb. Pilipinas hindi pa nabibigyan ng price... si Gloria Diaz baka hindi pa nya na claim prize nya?.. palitan na kasi si araneta, dapat pinoy true blooded ang hahawak dyan sa BINUBUNI...