Isang presscon para sa mga talent ng Royale Artists Management Inc. ang ipinatawag ni Annabelle Rama sa isang Chinese restaurant sa Quezon City kaninang tanghali, October 21. Ang Royale Artists Management Inc. ang dating Royale Era Entertainment, Inc.
Ipinakilala ni Annabelle sa presscon ang kanyang mga bagong talent na sina Paolo Paraiso at Jon Hall. Ibinalita rin ni Annabelle ang mga magaganap sa kanyang birthday celebration sa October 28 sa Crowne Plaza Hotel.
Isang show na magpapakita sa mga talent ng kanyang mga alaga ang mapapanood. Kasabay nito ang launching ng Spotlight, ang magazine na magtatampok sa 29 talents ng Royale Artists Management, Inc.
PRAISING JC. Ang pangalan ni JC de Vera ang mabilis na isinagot ni Annabelle nang tanungin ito kung sino sa mga talent ng Royale Artists Management Inc.—bukod sa kanyang mga anak na sina Ruffa, Richard, at Raymond Gutierrez—ang kanyang paborito.
"Hindi matigas ang ulo ni JC. Very professional siya," sabi ng talent manager.
"Natutuwa ako kay JC dahil siya, masipag magtrabaho at nakikinig siya sa kanyang manager kaya naging asenso ang buhay ni JC ngayon. Nagpapagawa na siya ng bahay, tapos may kotse na siya.
"Matutuwa ka kay JC dahil nang makuha ko siya, walang-wala siya. Bibili siya ng lumang kotse, sabi ko mag-brand new siya. 'Iutang mo na lang kasi kung lumang kotse, mahihinto ka sa kalye.'
"Sabi ko, 'JC, magtiis ka muna sa five thousand pesos [talent fee] per taping.' Every taping ni JC, P10,000, aabot 'yan sa P100,000. Ang suweldo niya ngayon, aabot ng P500,000 a month, more pa.
"Nakakatuwa kasi nagtiyaga si JC sa akin. Hindi siya na-discourage. Hindi siya nagmamadali na kumita. Talagang naghintay lang siya. Ngayon, binigyan siya ng project ng Diyos, umasenso siya."
Regular na napapanood si JC sa mga sumusunod na programa ng TV5: P.O.5, Lokomoko High, at ang upcoming kiligserye na My Driver Sweet Lover.
Sabi pa ni Annabelle, "Natutuwa ako sa lahat ng mga talents ko, masisipag. Nakikinig sila sa manager nila. Naniniwala sila sa aking kakayahan. Lahat ng talents ko, kapag umasenso ang buhay nila, natutuwa ako."
HURT BY HEART. Pero ikinabigla ng entertainment press na dumalo sa presscon ang mga sumunod na pahayag ni Annabelle. Hindi nila inaasahan ang kanyang mga rebelasyon laban sa alaga niyang si Heart Evangelista.
"Pinakamalaking kontrata, nakuha ko sa GMA-7. Pinakamalaking trabaho na nakuha ko sa kanya, hindi pa sila ma-satisfy. Naloloka ang byuti ko!
"Nakuha ko yung contract, kinuha sa akin ng mommy niya ang kontrata niya, for another three years. Napakalaki ng kontrata.
"Naduling yata ang nanay sa pagbasa. The next day, sinabi niya na 'ayaw ko nang mag-renew, hanggang two years lang tayo,' samantalang mag-two years pa lang kami."






Bakit ba inembento ang kontrata? Para saan?
wonderingmind
October 23, 2010
06:28 AM
Filipinos are so into utang na loob! Rama is being paid to get work for her talents. What is the big fuzz if you are given the notice of contract termination? Kaya wala tayong asenso. Symbiotic and yet the other party thinks Heart owes Rama her wealth and fame! Talented yun bata, that is why she enjoys viewership. Siya ang pinapanood, at hindi pagmumukha or acting in Rama! Duh?!
galing mo okrayin pagiging nanay ni ongpauco..di mo muna tignan sarili mo anabel..