Pagkatapos ng Gumapang Ka Sa Lusak, ang afternoon soap na pinagbidahan ni Jennylyn Mercado, ginagawa naman ngayon ang Little Star na pagsasamahan nila nina Mark Anthony Fernandez at Lovi Poe.
Gumaganap si Jennylyn dito bilang si Helen, ang personal assistant ng singer na si Gwyneth (Lovi). Mula umpisa hanggang sa matapos daw ang serye ay simple lang ang character niya rito.
Pero in real life, marami ang nakakapansin na lalo siyang gumaganda at sumeseksi.
"Ganoon siguro kapag wala ka nang iniisip na problema. Kapag masaya ka naman at ang mga tao sa paligid mo, very positive at very optimistic ang mga tao na nakapaligid sa kanya," nakangiting sabi ni Jennylyn.
Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at iba pang press si Jennylyn sa presscon ng Little Star kagabi, October 21, sa 17th floor ng GMA Network Center.
PATRICK OUT. Hindi naman itinanggi ni Jennylyn na dapat ay kasama rin sa cast ng Little Star ang dati niyang boyfriend na si Patrick Garcia at ama ng kanyang anak. Pero hindi ito natuloy, at hindi naman dahil sa kagustuhan ni Jennylyn.
"No, hindi ko siya pinagbawalan at all," paglilinaw ng young actress. "Kinausap ko lang siya na, 'Ano, gusto mo ba? Kung gusto mo, okay lang naman sa akin.'
"Kaya lang, sabay kami na hindi namin makakasama si Jazz. Siyempre, kapag walang trabaho, sa akin. Naisip niya rin na, 'Oo nga, 'no? Sige, huwag na lang.'"
Dagdag niya, "Kung gusto naman niyang talaga, e, di sana ngayon siya ang kasama ko.
"Hindi ko naman siya puwedeng diktahan dahil, unang-una, hindi ko naman siya boyfriend at hindi ko naman siya asawa. Meron siyang freedom na gawin kung ano ang gusto niyang gawin. Hindi ko naman siya puwedeng hawakan sa leeg, e."
Malabo naman daw nilang maisama ang anak nilang si Alex Jazz sa taping dahil marami raw lamok sa location nila.
Supposedly, ang role daw dapat ni Paolo Contis ang magiging role ni Patrick.
"Bale magiging love interest ko," banggit ni Jennylyn.
Hindi kaya natatakot lang siya na manumbalik ang dati nilang pagmamahalan ni Patrick kung nagkasama silang muli sa isang project?
"Hindi. Palagi naman kaming nagkikita... Wala naman talaga. Wala talaga. Siya ang hatid-sundo kay Jazz sa school," sagot niya.






malaki ang laban ni jen sa MMFF bilang best actress. im sure maraming makukuhang award ang ROSARIO!
bakit d ka kumuha ng blade maglalaslas ka kung ala ka namang magandang sasabihin!!!!!
but sad kc d man sya binibigyan ng primetime show.. d kc sya favorite ng GMA..kahit mas super deserving sya sa mga nasa primetime ngayon..
hayy jen, if ganyan lagi try to think din..change ur manager or network? if ano man ang desisyon mo, we will support u pa rin...
goodluck to ur Little star show and sa Rosarion na rin
Sa dami2 ng mga batang artista ngayon, natural lng na mas susugalan ng network ang isang single at walang anak na artistang babae.
Jen is good though and she will make a good character actress. But as a lead star, i think she blew her chance long time ago.
Inuna pa yang mga bagong recruits bano sa akting...semplang sa rating din..
Denjen for Primetime,GMA...ang galing ng team-up na ito.Di pilit at natural ang galing sa pag-arte..
Try this DEN-JEN-MAF sa PT,panalo ang tandem na ito in an action-drama love story.paging GMA!!!
Dwarfina should also do that..tama na yang kacheapan na promo,halatang pilit inilink si Dennis kay heart..stop this cheap publicity..di pa nga nagtaping nanggagamit na,lalo na pag promo ng show na dwarfs...gagamitin na naman si Jen,focus on your storyline..plots,naging nega na tuloy yan.
go go Jen,ganda ng Little star,may kilig factor din ang chemistry ni MAF-Jen.love their team-up,very professionals not like the others!!