Last November, lumabas ang reports na si Bong Quintana—ang longtime partner ng TV host at talent manager na si Boy Abunda—ay nagtatrabaho na bilang assistant vice president for entertainment sa Philippine Amusement and Gaming Corporation (Pagcor) mula pa noong July 2010.
Nagkaroon tuloy ng isyu na ang kanyang appointment ay bunga ng pagiging malapit ni Boy sa pamilya Aquino, partikular na sa bunsong kapatid ni President Noynoy Aquino na si Kris.
Bukod pa rito ang posibleng conflict of interest dahil siya ang tumatayong vice president at special events manager ng Backroom Inc., ang talent management na pagmamay-ari ni Boy.
Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng press si Bong noong Miyerkules, Disyembre 8, sa paglulunsad ng "Pamaskong Handog ng PAGCOR" sa Parañaque City.
"Nangangapa pa rin. Pero kung ang intensiyon mo ay totoo, tunay at taos, you have nothing to worry," ang naging tugon ni Bong nang kumustahin ang kanyang trabaho sa Pagcor.
Ayon pa kay Bong, may kapasidad siya at karapat-dapat siya sa nasabing posisyon.
"May konting puhunan naman tayo in terms of knowledge, because we are in the business.
"Dito sa Pagcor, I started with Wonders back in...two or three years ago, and then I got AVP for Entertainment," kuwento niya.
Bago pa man umupo si PNoy sa Malacañang ay parte na si Bong ng Pagcor bilang stage director sa mga stage show na Wonder at Flow.
KEEPING IT A SECRET. Nilinaw rin ni Bong na hindi niya intensiyon na itago sa publiko ang kanyang appointment.
"No, why should I? Na alam ko na? E, di pagsisigawan ko. But then again, we have to go through the process. You have to divest first, kasi you'll be accused of conflict of interest. But I'm okay now," aniya.
Ang tinutukoy ni Bong ay ang pag-alis niya bilang vice president ng Backroom, bago niya tanggapin ang nasabing posisiyon sa Pagcor.
Kumusta naman ang mga katrabaho niya sa Pagcor?
"The people I worked with in my department are not new to me. Like I said, I've been with Pagcor since about two or three years ago at Wonders. So, meron na kaming initial relationship. So when I got in, hindi na nangangapa, hindi na naiilang. As a director, they talk to me, and then I give directives to the production, the crew and the staff," saad niya.
CONFLICT OF INTEREST.Isa pa sa mga isyu na ibinabato sa appointment ni Bong ay ang posibleng paggamit at pagprayoridad niya ng artists mula sa Backroom, ang talent agency na pinanggalingan niya.





sad but true
ito pala ang Pag-asa ng bayan..Pnoy appointing the kamag-anakans of the artistas who helped during the campaign.
Pnoy naman eh! sino next iaapoint mo? LOlo ni DIngdong dantes?tsk!
Agree ako sa comments mo , kahit sinong maupo pare pareho lang yan, puros batikos sa nakalipas na admin eh halos ganun din ginagawa ng kasalukuyang administrasyon, walang pinagkaiba. Wala daw kurakot, wala daw illegal na gawa, asusme eh kahit saang ahensiya me ilegal , bakit. sa baba ng sahod kung di sila gagawa ng pera paano sila mabubuhay. Kaya PNOY, tama na, wala ka ng magagawa talamak na sa bansa natin ang kurakot.
sbi nga nila ngaun, its not WHAT you KNOW, its WHO you know.. palakasan lang yan.. and lets just say he is indeed qualified, i am pretty sure there are others out there that are more qualified than he is. sorry lang sa knila, wla silang pantulak eh... tsk tsk...
anyways, goodluck na lang.. ala na mggawa andiyan na yan eh.. khit san ka pa mgpunta ngaun, tandaan lang, its WHO not WHAT you know
Granting na qualified kayo, hindi pa rin maiiwasang isipin ng mga tao na payback time talaga.
I am sure naman maraming mga private companies na kukuha sa kanila na may connection din si Noynoy. At least yun hindi masyadong halata kasi hindi government entities.
Kaya lang, like I said, pakapalan ng mukha.
Talagang kamaganak kaibigan din pala sa Noynoy administration. Akala ko medyo maiiba sa pangkaraniwan.
Oh well, mukhang napakahina naman kasi ni Noynoy at mukhang kayan kayanan siya ni Kris Aquino. Lahat ng dumikit kay Noynoy noon for sure may puwesto sa gobyerno.
Wala pa akong naririnig sa admin na ito kundi puro lovelife ni Noynoy or mga appointees na puro kaibigan kamaganak.
Kelan kaya to mae EDSA
Siguro so frustrated si Nonoy at Cory sa kinalalagyan nila.
Gumagawa na si NOynoy ng version niya ng KAMAG-ANAK INC. Sabagay sa nanay niya natutunan yan. Ang gamitin ang posisyon sa gobyerno as either pambayad ng utang na loob or regalo sa mga malalapit sa pamilya nila.
Kalurkey ang administrasyon na to. Wala pa akong nakikitang konkretong plano. Puro kapalpakan.
obvious naman kasi noh!!! kahit tuloy makakatulong talaga, siyempre laging sinisilip yung hidden agenda!
siguradong hahataw ang mga alaga ni BA!!! wanna bet???!!!
oh diba marunong tumanaw ng UTANG NG LOOB C PNOY!!! LOL