Randy Santiago and John Estrada on accepting ABS-CBN noontime show: "Trabaho lang."

Rose Garcia
Thursday, April 14, 2011 @ 05:42PM  |  1339 views


  John Estrada (left) and Randy Santiago (right) return to noontime programming as they host Happy, Yipee, Yehey! with Toni Gonzaga, Mariel Rodriguez, Melai Cantiveros, and Bianca Manalo.

Photo By: Allan Sancon













Sa tinagal-tagal ni Randy Santiago sa ABS-CBN, kahapon, February 6, lang siya nag-guest nang live sa showbiz talk show na The Buzz.

Ang pagge-guest ni Randy ay may kinalaman sa bagong noontime show na bubuksan ng Kapamilya network, Happy, Yipee, Yehey! na magsisimula sa February 12.

Makakasama ni Randy rito sina John Estrada, Mariel Rodriguez, Bianca Manalo, Melai Cantiveros, at ang isa sa co-hosts ng The Buzz na si Toni Gonzaga.

Kasamang nag-interview ni Toni kay Randy si Boy Abunda.

BACK TO NOONTIME. Hindi ito ang unang pagkakataon na maghu-host ng isang noontime show si Randy.

Ang una niyang noontime show ay ang Lunch Date (1986 to 1993) at sinundan ng SST: Salo-Salo Together (1993-1995), na parehong ipinalabas sa GMA-7.

Nagbalik sa noontime slot si Randy sa 'Sang Linggo nAPO Sila (1995-1998) at Magandang Tanghali Bayan (1998-2005) sa bakuran naman ng ABS-CBN.

Kaya ang tanong sa kanya, ano ang pakiramdam niya na after a long time ay balik-noontime show siya?

"Very excited, actually. Of course, after MTB, yun po ang pinakahuli naming ginawa na noontime. But  I've been doing noontime, ever since... Lunch Date, SST, tapos 'Sang Linggo Na Po Sila. Tagal na, 'no? And then, MTB. At ngayon, meron nang bagong-bago," sabi ni Randy.

BONDING. Tinanong rin ni Boy si Toni kung ano ang pakiramdam niya working with Randy, John, and Mariel.

"Tito Boy, I'm very excited!" sagot ni Toni.

"Kahapon, nag-dry-run kami. Nag-lunch kami, all together, kaming lahat with the staff, Mr. M [Johnny Manahan]. Then, 12 o'clock, nagkaroon kami ng lunch bonding. After that, dumiretso kami ng Studio 4, tinest na namin yung mga games, yung set, yung buong programa.

"Ang sarap ng pakiramdam na makatrabaho si Kuya Randy at si Kuya John. Kasi, hindi ka na mag-a-adjust sa kanila. Yung level of comfortability namin ni Mariel sa kanila, nandoon agad. Ang bilis, parang lunch pa lang... Actually, meeting pa lang, nandoon na agad.  

"At saka, siguro, nakatulong din that I've worked with Kuya Randy.  Nakatulong din na nakatrabaho ko na si Kuya Randy noong 2005 sa isang sitcom [My Juan and Only]."

Ayon naman kay Randy, "Siyempre, importante, magagaling ang hosts, e. Napakapalad po namin, of course, we have Toni Gonzaga and Mariel.  Talagang seasoned, 'ika nga. Kaya nakakatuwa."

1  2  3  Next »

Related Articles

151 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name