features

Sarah Geronimo on her decision to break her silence to YES!: "Masyado na kasing masakit para hayaan ko na lang."

by Rose Garcia posted on June 9, 2011  STATS: 4564 Views | 419 Comments


  "Sa akin kasi, kung masyado mong kinu-contain sa loob ang emotion mo, wala kang outlet, wala kang mapagsabihan, wala, mas naging ano ko, mas naging relax. Basta, mas okey po ako ngayon na nakakapagsalita na ako.  Hindi katulad noon na itatago ko talaga, e," says Sarah Geronimo.

Matagal ang naging pananahimik ng Pop Princess na si Sarah Geronimo hinggil sa noon ay haka-haka lang na relasyon nila ng young actor na si Rayver Cruz. Pero binasag ni Sarah ang kanyang katahimikan sa exclusive interview sa kanya ng YES! magazine na lumabas sa March 2011 issue nito.

Dito nalaman ng publiko ang totoong namagitan kina Sarah at Rayver, pati na ang pagkakabaling ng atensiyon ng young actor sa sexy star na si Cristine Reyes. Mababasa rin sa YES! ang panig ng ina ni Sarah na si Mrs. Divine Geronimo tungkol sa naging relasyon ng anak at ni Rayver.

Sa panayam ng The Buzz kay Sarah, sinabi niyang hindi naging madali ang ginawa niyang pag-amin sa YES!.

"Siyempre po, hindi madali. Noong una po talaga, ayoko po talaga. Ayoko pong pag-usapan. Ayoko pong mabulatlat pa kung anuman yung nangyari at pagpiyestahan kami, ayoko na.

"Pero, wala, e, masyado na kasing masakit para hayaan ko na lang. Para hayaan ko na lang ang ibang tao na ganituhin ako, ganituhin ang pamilya ko lalong-lalo na," pahayag niya.

Ang sunud-sunod na pagpapa-interview raw nina Cristine at Rayver ang isa sa nag-udyok kay Sarah para magpa-interview sa YES! tungkol sa naturang isyu.

"E, kasi, nagsasalita na rin sila. Para naman akong tanga kung hindi ako magsasalita, e, meron din naman akong dila. May karapatan din naman ako na ipagtanggol ang sarili ko at pamilya ko," paliwanag ng Pop Princess.

Sa ginawa niyang pag-amin, pagbasag ng kanyang katahimikan, masasabi ba niyang nakahinga na rin siya ngayon?

"Hindi completely... A, ano ba, baka naman umiyak ako diyan!" natawa na lang sabi ni Sarah, na tila nag-iisip ng tamang salitang gagamitin.

Pero sinabi ni Sarah na naging maganda ang epekto sa kanya ng kanyang pagsasalita.

"Sa akin kasi, kung masyado mong kinu-contain sa loob ang emotion mo, wala kang outlet, wala kang mapagsabihan, wala, mas naging ano ko, mas naging relax. Basta, mas okey po ako ngayon na nakakapagsalita na ako.  Hindi katulad noon na itatago ko talaga, e," sabi niya.

Sa lahat daw ng pinagdaanan ni Sarah ay natuto naman siya sa mga naging experience niya.

"Ang maganda po doon, natututo tayo sa mga experiences natin. Sa mga pagkakamali natin. At yun nga, ginagawa tayong mas malakas na tao, wiser and stronger.

"So, yun, pasalamat ako sa lahat ng pinagdaanan ko. Sana maintindihan din ng mga tao na kami po ay tao lang din."

Nakapag-move on na nga ba siya sa mga nangyari sa kanila ni Rayver?

1  2  Next »

more on this story

RELATED ARTICLES

Show/Hide Comments

419 Comments

  • 119  poshpixie

    02/28/2011 | 04:53 PM
    Nasa itsura naman ng parents niya na mukhang Pera. Kaya negosyo iyan eh! May mga kapatid din si Sarah. Iniisip din sial ng magulang. Pero yung tatay ba niya may work? At di kaya ganun kadali na lumaban sa magulang. Kahit gaano sila ka-monster sa buhay ni Sarah, pamilya pa rin sila. Sila pa rin ang karamay ni Sarah sa hirap at ginhawa. At yun ang hindi napatunayan ni Rayver. So, suwerte pa rin ni Sarah na hindi siya nagpakaloka kay RC. Hintayin na lang niya ang tamang nilalang na worth it namang ipaglaban niya at ipaglalaban siya. Hayaan na lang niya si RC kay chriastine. Pareho silang dalawa ng hinahanap so sila ang nararapat sa isa't isa. Ikanga, great things come to those who wait. Kung gusto nila magmadali, pabayaan mo lang sila. Di mo ko fan SG but I admire you. Napakatatag mo. Hindi ganun kadali ang sitwasyon mo but in front of the camera, nakangit ka. Grace under pressure.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 118  pepapholic

    02/28/2011 | 04:53 PM
    look on the bright side guys... if this did not happen, am sure Sarah would still be in the dark side of life. at least now she realized na she has to step on to the bright side of life. so just consider Rayver as one of the instrument para matauhan din ang parents ni Sarah to give her freedom and free will. coz after this charade... and after reading all these comments by mommy Divine I hope they will give Sarah a chance to have a happy and healthy life...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 117  lyka25

    02/28/2011 | 04:51 PM
    Nabasa ko nga pala sa Yes Mag na mahigit 200 million ang earnings ni Sarah last year sa mga product endorsements both prints and commercials hindi pa kasama yung sa T.V, MOVIES, Recordings and concerts. Napa Wow! ako she's still young and she's earning Millions na.In a way tama din ang parents ni Sarah ang ganda ganda ng career ni Sarah sayang naman, tamo sila Angelu De leon noon puso ang inuna nasaan na ang career nila ngayon?With Sarah's talent and charisma she will still go along way kaya lang dapat ma enjoy din nya life niya
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 116  dreamer

    02/28/2011 | 04:49 PM
    pag nabasa nyo yung magazine maaawa kayo kay sarah. di makalabas ng bahay kahit sa kanto man lang. hindi pwedeng mawala sa paningin ng magulang. kumusta na kaya yung ate niya na inihatid sa airport na nagaral yata sa ibang bansa? she might be living her life right now. doing things na di nuya nagagawa sa hawla ng mga magulang nila.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 115  maria45

    02/28/2011 | 04:45 PM
    Sarah's parents did NOT TRUST HER period.At sa issue na user si Rayver, napakaliit naman ng tingin ng mga tao kay Sarah na hindi nila matangggap na may magkakagusto sa kanya, maganda naman si Sarah..eh bakit pagdudahan pa? Kung ako si Sarah, mainsulto ako pag sinabihan na user si Rayver dahil that means na itong mga taong ito nagsasabi ay hindi matanggap na si Rayver ay may gusto talaga sa kanya as a person, di ba? Naghintay ba sila kay Prince Harry na siyang manligaw kay Sarah? Opinyon lang ho, mga BP ninyo..mga Te..heh
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 114  mariankimfan1

    02/28/2011 | 04:43 PM
    pvillamine, sabihin mo na lang kung ikaw si devine, kasi kung hindi ikaw ang nany ni sarah, ang laki ng problema mo sa buhay.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 113  winonao1

    02/28/2011 | 04:41 PM
    pvillaminez11---- magbasa ka ng YES MAG para maliwanagan ka
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 112  gorgeous_aleck

    02/28/2011 | 04:38 PM
    number 103.. yes, i must admit but not anymore coz were married na. i can proudly say that i made a right decision. how about u? wala cguro nagkaka interest sayo. if that's the case, then u need an extreme make over. i just realized im wasting my time on u. ur a non-sense talker. just like cristine, ur a butangera too. take a look at urself in a mirror before u judge other people, ok?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 111  pvillaminez11

    02/28/2011 | 04:37 PM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 110  winonao1

    02/28/2011 | 04:37 PM
    pvillaminez11 ASARTALO! wahahahha!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 109  lyka25

    02/28/2011 | 04:37 PM
    Ayan mukhang may something na si Sarah kay Gerald Anderson, sana naman kung maging sila ni Gerald ipaglaban na nya sa parents niya.Sana din bigyan ng konting freedom si Sarah ng parents niya for her to experience real love.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 108  winonao1

    02/28/2011 | 04:36 PM
    pvillaminze11 oh dear ang utak mo ang MARUMI! bwahahahahha! pag may bf eh gagawa na ng milagro, KAWAWANG NILALANG!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 107  pvillaminez11

    02/28/2011 | 04:36 PM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 106  alexangel

    02/28/2011 | 04:34 PM
    pvillaminez11 - that article was not so long ago. seguro 2 years ago at sikat na sya. it was first written as a blind item in a tabloid then pinangalanan na. nakapagawa na nga sila ng bahay noon. anyway, i'm not a fan of sarah's. tama ang mga pepsters, manipulating ang parents ni sarah. she is definitely losing the best part of being a girl.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 105  silverngold

    02/28/2011 | 04:33 PM
    just imagine how sarah and rayver keep a secret relationship gayong sa trabaho ni sarah ay kasama parati si daddy niya, bilang driver. tapos di naman din siguro makakalabas ng bahay kung wala din si daddy... i pitty her... she's at age na, pero parang nakakulong pa din...sana lang di maging huli ang lahat para kay sarah... sabagay idol naman niya si regine...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 104  winonao1

    02/28/2011 | 04:33 PM
    pvillaminz11 ahahah sabihin mo yan sa sarili mo! kawawa ka naman baka di kapa ngka bf kasi para sayo pag may bf eh automatic gagawa na ng milagro lol!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 103  pvillaminez11

    02/28/2011 | 04:32 PM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 102  gorgeous_aleck

    02/28/2011 | 04:31 PM
    numner 99.. two thumbs up!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 101  winonao1

    02/28/2011 | 04:30 PM
    anamichelle 16---- dont worry we share the same sentiments i hate cristine too she definitely has no BREEDING! butangera at bastos!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 100  pvillaminez11

    02/28/2011 | 04:29 PM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About