(UPDATED) Angel Locsin admits Phil Younghusband followed her to Hong Kong

Nerisa Almo
Thursday, August 11, 2011 @ 05:38PM  |  3869 views


  "May mga lumabas na picture. Pero parang ayaw ko nang magkuwento pa," says Angel Locsin about recent reports that she and Phil Younghusband went on a short vacation in Hong Kong last Holy Week.

Photo By: Noel Orsal













Iniwasang kumpirmahan o itanggi ni Angel Locsin ang napabalitang maiksing bakasyon nila ng rumored suitor niyang si Phil Younghusband sa ibang bansa kamakailan.

Ayon sa mga lumabas na posts sa iba't ibang blogs—na may kasama ring ilang mga larawan—magkasama umano sina Angel at Phil noong nakaraang Holy Week sa Hong Kong.

Kasama din umano nila sa bakasyon ang matalik na kaibigan ni Angel na si Bubbles Paraiso.

Subalit napangiti lamang si Angel nang tanungin ito ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at ABS-CBN News noong Huwebes ng gabi, April 28, matapos ang "Big, Bold, Beautiful Party" para sa 125th anniversary ng Avon sa Republiq, Resorts World Manila, Pasay City.

"May mga lumabas na picture. Pero parang ayaw ko nang magkuwento pa," maiksing tugon ni Angel.

Sa hiwalay na interview ay inamin ni Angel na sumunod nga si Phil sa kanya sa Hong Kong.

"Yeah, he followed. Birthday ko," sabi ng aktres, na nagdiwang ng kanyang 26th birthday noong April 23.

Pero kumusta na nga ba ang puso ni Angel? Matagal-tagal na rin nang huling mapabalitang in love ang dalagang aktres.

"Okay naman. Si Angel ngayon, tired, pero happy and thankful," sabi ng aktres.

Nang usisain naman ng ABS-CBN News reporter na si Ginger Conejero kung sino ang nagpapatibok ngayon ng puso ni Angel, muli siyang tumawa at sinabing: "Huwag mo nang tanungin 'yon!"

Matatandaan na noong Pebrero ay hayagang tinanong ni Phil ang Imortal actress sa micblogging site na Twitter kung libre si Angel sa Valentine's Day. (CLICK HERE to read related article.) 

Pagkatapos nito, may mga naulat naman na ilang beses na silang nag-date.

Sa katunayan, nakita pa silang dalawa ng PEP sa isang restaurant sa Serendra, The Fort, Taguig, kamakailan.

IMORTAL ENDS TONIGHT. Samantala, naging pagkakataon din para kay Angel ang panayam na ito upang pasalamatan ang lahat ng mga manonood na sumuporta sa kanyang teleserye na kasama si John Lloyd Cruz, Imortal.

Matatapos na ito ngayong gabi, April 29.

1  2  Next »

Related Articles

188 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name