Rhian Ramos denies getting back with Mo Twister, but has forgiven him since he apologized

Glen P. Sibonga
Wednesday, October 19, 2011 @ 07:26PM  |  2921 views


  "Kasi alam mo yung pinanggalingan din namin, five years... Hindi lang kami friends, e, best friends talaga, e. Alam mo yung lahat ng nangyayari sa akin, alam niya. Lahat ng nangyayari sa kanya, alam ko. Alam ko kung sino yung gusto niyang i-date o yung dine-date niya dati. So, hindi yun madali para sa akin na kalimutan ng ganun lang," says Rhian Ramos about Mo Twister.

Photo By: Noel Orsal













Pinabulaanan ni Rhian Ramos ang balitang nagkaayos at nagkabalikan na sila ni Mo Twister.

"Hindi rin. Sino ba ang nagsabi nun?" paglilinaw ng young actress.

"May nag-tweet nga sa akin nun, e. Hindi, maling-mali yun.

"Hindi ko alam kung sino ang nagsasabi nun."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Rhian sa presscon ng Manny Many Prizes sa Studio 6 ng GMA Network Center kagabi, July 5.

Pero patuloy pa ba ang communication nila?

"Hindi," sagot niya.

"Pero, di ba, before kasi nung tinanong ako kung nakakausap ko pa ba siya, sabi ko kinausap ko siya nung inayos namin ang gusot?

"Yun lang. Yun na yun."

Ibig sabihin, never na siyang makikipag-usap ulit kay Mo?

"Pero I'm not naman... hindi ako nagtatanim ng grudge sa tao. Hindi ko naman sinasabi na I'll never gonna talk to [him], di ba?

"I'm just saying na kung sino man ang nagbalita nun na patuloy yung communication namin, hindi yun accurate."

Ibig sabihin, nagkaayos na sila talaga ni Mo?

"Kung anuman yung concerns ko, na-address. Pero as of anything na personal, hindi ko na mapag-uusapan yun," sagot ni Rhian.

Ayon kay Mo sa naunang interview ng PEP, ang tanging nakausap lang daw niya ay ang abugadong kinuha ni Rhian na si Atty. Lorna Kapunan. Totoo ba ito? (CLICK HERE to read related story.)

1  2  3  4  5  6  Next »

Related Articles

40 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name