After two years, nag-release na ng kanyang fifth album ang OPM singer na si Mark Bautista.
Nagsimula ang break ni Mark matapos niyang manalo ng second place sa talent search show na Star For A Night, kung saan nag-champion ang Pop Princes na si Sarah Geronimo.
Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ng iba pang entertainment press si Mark kahapon, August 18, sa presscon na naganap sa Viva office sa Tektite Bldg., Ortigas, Pasig City.
"Ito, pang-fifth album ko. Ang kaibahan nito ay puro Tagalog yung laman, mas pino-promote ko yung OPM music.
"Mas naging professional din 'tong album na 'to dahil may sinulat akong dalawang songs.
"So, may dalawang ballads pa din yung album, hindi pa din nawala yung pagiging balladeer ko," sabi ng singer.
ON SARAH GERONIMO. Bagamat successful ang career ni Mark, patuloy pa rin ang pagpupukol ng intriga sa kanya.
Isa sa mga ito'y ang issue sa kanila ng kasabayan niyang singer na si Sarah Geronimo.
Hindi inilihim sa publiko ni Mark ang kanyang paghanga sa Pop Princess. Sinabi pa nga niya noon na "worth waiting for" si Sarah. (CLICK HERE for related article.)
Pero hindi nagtagal, tila nawalan na rin ng pag-asa si Mark, lalo na nang lumabas ang Sarah-Rayver-Cristine issue noong nakaraang taon.
Totoo nga bang heartbroken siya noon kay Sarah?
"Alam mo, hindi ko alam kung heartbroken kasi hindi naman naging kami rin ni Sarah," maingat na sagot ni Mark.
"Pero dumating siguro sa point na... Siguro, siyempre bilang kaibigan, nalaman ko na may ganun palang nangyari sa kanila, na hindi alam ng tao, di ba?
"Kaya siguro, sabi ko, bilang kaibigan, parang ba't ganun yung nangyari sa kanya?
"Sinaktan siya, nasaktan din ako para sa kanya."




0

