Bago ang live interview ni Maja Salvador sa The Buzz kaninang hapon, September 4, may mga nagduda na baka magkaroon ng news blackout tungkol sa nangyaring engkuwentro sa pagitan nina Coco Martin at Matteo Guidicelli pagkatapos ng Star Magic Ball kaninang madaling-araw. (CLICK HERE to read PEP's report.)
Maging ang isa sa mga host ng showbiz talk show ng ABS-CBN na si Boy Abunda ay nagsabing hindi raw niya inaasahan that he would get to talk to Maja personally that time.
Si Maja kasi ang sinasabing dahilan kung bakit nagkaroon ng engkuwentro sina Coco at Matteo.
Ayon pa kay Boy, hindi raw madali ang pinagdadaanan ni Maja ng mga oras na yun kaya nagpasalamat ito at nagpaunlak ang young actress na magpa-interview.
Ayon naman kay Maja, "Nagpapaka-Thelma lang siguro Tito Boy.
"Di ba nga, si Thelma, lahat ng problema, tumatakbo siya para ayusin."
Ang tinutukoy ni Maja ay ang role na ginagampanan niya sa pelikulang Thelma.
PARALLELISM. Bago talakayin ang mabibigat na isyu, minabuti ni Boy na umpisahan ang tanong sa naging pahayag ni Maja, na kung ang iba ay tinatakbuhan ang kanilang mga problema, si Thelma naman ay hinaharap at inaayos ang problema.
Gaano kalaki ang pagkakahawig ng pagkatao ni Thelma kaya Maja Salvador?
"Si Thelma at saka si Maja, parehas sila na mahal nila ang pamilya nila.
"Na kahit na anong problema ang dumating, kung kayang ayusin, aayusin agad. Parehas silang matapang," sagot ng young actress.
Sa interview ni Boy sa direktor ng Thelma na si Paul Soriano sa programa nitong Bottom Line, napag-usapan ang shooting nila sa Laoag, Ilocos Norte kung saan nagkaroon sila ng immersion at walang telepono for two weeks.
How difficult was that for Maja?
"Mahirap po," sagot niya.
"Wala ka na nga rito sa Manila, tapos nilayo ka pa ng director mo, sa malayong lugar ka pa nagsu-shooting, so kami-kami lang.




CALLED OUT
ALL COMMENTS
114 emansi
113 emansi
112 piola_pascual
111 cristine2
110 yehzzreh
109 gibraltar
108 fujiko777
107 shidax
106 paprika10
105 ching75
104 gjoel
103 thorns_143
102 yamnt2007
101 pepers
100 kaepalmilya
99 pepers
98 maarteako
97 under_rated
96 jeac3
95 alexabianca
more comments