features

Maja Salvador finally admits real score with Matteo Guidicelli; also admits she is the reason for altercation between Matteo and Coco Martin

by Rose Garcia posted on December 9, 2011  STATS: 1103 Views | 134 Comments


  After denying in previous interviews about the real status of her relationship with Matteo Guidicelli, Maja Salavador (in photo) admitted to the public that they are an item. This came a few hours after the altercation between Matteo and Coco Martin.

Photo By: Noel Orsal

Bago ang live interview ni Maja Salvador sa The Buzz kaninang hapon, September 4, may mga nagduda na baka magkaroon ng news blackout tungkol sa nangyaring engkuwentro sa pagitan nina Coco Martin at Matteo Guidicelli pagkatapos ng Star Magic Ball kaninang madaling-araw. (CLICK HERE to read PEP's report.)

Maging ang isa sa mga host ng showbiz talk show ng ABS-CBN na si Boy Abunda ay nagsabing hindi raw niya inaasahan that he would get to talk to Maja personally that time. 

Si Maja kasi ang sinasabing dahilan kung bakit nagkaroon ng engkuwentro sina Coco at Matteo.

Ayon pa kay Boy, hindi raw madali ang pinagdadaanan ni Maja ng mga oras na yun kaya nagpasalamat ito at nagpaunlak ang young actress na magpa-interview.

Ayon naman kay Maja, "Nagpapaka-Thelma lang siguro Tito Boy. 

"Di ba nga, si Thelma, lahat ng problema, tumatakbo siya para ayusin."

Ang tinutukoy ni Maja ay ang role na ginagampanan niya sa pelikulang Thelma.

PARALLELISM. Bago talakayin ang mabibigat na isyu, minabuti ni Boy na umpisahan ang tanong sa naging pahayag ni Maja, na kung ang iba ay tinatakbuhan ang kanilang mga problema, si Thelma naman ay hinaharap at inaayos ang problema. 

Gaano kalaki ang pagkakahawig ng pagkatao ni Thelma kaya Maja Salvador?

"Si Thelma at saka si Maja, parehas sila na mahal nila ang pamilya nila. 

"Na kahit na anong problema ang dumating, kung kayang ayusin, aayusin agad. Parehas silang matapang," sagot ng young actress.

Sa interview ni Boy sa direktor ng Thelma na si Paul Soriano sa programa nitong Bottom Line, napag-usapan ang shooting nila sa Laoag, Ilocos Norte kung saan nagkaroon sila ng immersion at walang telepono for two weeks. 

How difficult was that for Maja?

"Mahirap po," sagot niya.

"Wala ka na nga rito sa Manila, tapos nilayo ka pa ng director mo, sa malayong lugar ka pa nagsu-shooting, so kami-kami lang.

1  2  3  Next »

more on this story

RELATED ARTICLES

Show/Hide Comments

134 Comments

  • 94  EmmyAngels

    09/05/2011 | 04:25 PM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 93  EmmyAngels

    09/05/2011 | 04:06 PM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 92  baba

    09/05/2011 | 04:04 PM
    kung di pa nag suntokan ang mga lalaki di pa aaminin na me relasyon talaga silang dalawa ni matteo.at ito namang si matteo panay na nga ang iwas ni coco para di sila magkasalubong eh siundan parin dun sa de mening bayon? nag pa reserved si coco duon ng place at di tinapos ang party ng magic ball tas pumunta pa siy duon hinila si maja eh talagang me intention na sugurin si coco eh nasapak ka tuloy dumugo kaw n ang napahiya kaw pa ang kawawa..kakahiya ka matteo kahit kelan di kta gusto lalo na ngyon.maja naman kc ke coco ka nalang halata naman kasing me gusto ka rin ke coco noh.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 91  jhove_sky

    09/05/2011 | 03:57 PM
    Sila na pala eh, dapat alam din ni Maja kung paano ilimit ang sarili niya, di naman talaga maiiwasan ang selos.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 90  pilyangmaganda

    09/05/2011 | 03:48 PM
    sus ok ka na sana hija kaya lang pinatunayan mo lang ang kasabihan na looks can be deceiving!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 89  meangenesnoopy

    09/05/2011 | 03:31 PM
    sabi nga ni matet sa very special love...ang ganda moh....ikaw na maja...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 88  elenaleyah

    09/05/2011 | 03:20 PM
    cguro naman malaki ang kikitain ng movie nya..eh sa dami-dami ba naman ng ginawa nyang gimik para makakuha ng atensyon..for sure box-office hit pelikula nya. hahaha
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 87  accenture2

    09/05/2011 | 02:53 PM
    Jaja huwag mong sisihin ang mga may maamong mukha ang sisihin mo ang mga maling kaibigan niyang kasama kaya napariwara sila. At siya rin mismo parang naghahanap ng lalaki sa buhay kasi walang ama na gumagabay.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 86  accenture2

    09/05/2011 | 02:50 PM
    Anong mahaba ang hair? sa dinami dami ng magaganda bakit siya pag agawan kung hindi ni parehong pinag uuto ang dalawang lalaki. At huwag nyong lahatin ang maamong mukha since the start makikita naman na wild all out talaga si maja. Paano mo nasabing mahinhin siya naku at huwag mong ijustify ang mga wild na babae.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 85  amayabai

    09/05/2011 | 02:42 PM
    umaattend ng pa sosyal na event, mga asal kalye naman. ala ring kwenta.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 84  amayabai

    09/05/2011 | 02:41 PM
    ganun talaga kahit bihisan pa ng mamahaling damit, asong kalye pa rin.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 83  kiwipinay

    09/05/2011 | 02:40 PM
    ay coco martin sana ay sustentuhan at mabigyan mo ng chance makita at kilalanin ang anak mo kay katherine luna! -kl
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 82  StocksAndBonds

    09/05/2011 | 02:31 PM
    i-iyak iyak ka ngayon eh yan naman ang gusto mo di ba? feling rapunzel!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 81  winged_angel

    09/05/2011 | 02:28 PM
    Ang daming inggit kay Maja dito. LOL may gusto pang icompare si Maja kay KC. hahahaha si Maja pinag-aagawan ng dalawang guwapo na lalaki, si KC? ewan ko na lang. Si Sam at Piolo ba kamo? Bwahahahaha. Talaga naman di magsusuntukan ang mga yun. Di kasalanan ni Maja kung impulsive yang si Matteo. Typical mob mentality, laging sa babae sinisisi ang pangyayari.Kung di kawalan si Maja kay Matteo dahil mayaman siya etc, di rin kawalan kay Maja ang isang Lalake na may may violent streak at may potential maging abusive.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 80  lynn_q8

    09/05/2011 | 02:17 PM
    ang haba ng hair na maja!!!! si Maja sana ang sinuntok ni Matteo kc nong last time na nag promote sila ng series eh super close naman itong si Maja kay Coco...! tama ung mga ibng comment d2 pag matino kang tao d sana nangyari yan....look at KC and PIolo......ibang ka love team pero it works! SAM - KC are very cute together people even wish that this 2 will be for real but they also accept KC is taken....Maja ask advice from ATE KC!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 79  redsand

    09/05/2011 | 02:15 PM
    Matteo have won almost 100 trophies for car racing in both national and international competition. May napatunayan na pala tong taong to sa SPORTS na forte nya. Besides, you came from a well-off or shall i say affluent family... hindi kawalan si Maja sa iyo. Let her GO! Mas bagay ang dalawang PANGHIMAGAS na MajaBlanca at CocoPie.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 78  jasa

    09/05/2011 | 02:12 PM
    lyk ko pa naman sya kc simple lng sya magaling umarte sumayaw ....tapos parang di mkabasag pinggan ang dating nya ..kaso parang ngbago sya dna gaya dati parang dna maintindihan.. totoo nga ang kasabihan na pag ang babae na mala amo ang mukha un pala ang malalandi nsa loob ang kulo kaysa sa babaeng wild all out na akala mo makeri kng tingnan pero di naman pala.. kaya dont judge the book on 8s cover kc don kau maluluko. kuha nyoooooooo
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 77  jasa

    09/05/2011 | 02:03 PM
    tamaaaaaaaaa resand.. pag untugin nlang natin mga ulo nila baka matauhan sila ..ang ssihin jan dapat si maja saka ung tsismosa na ngkwento ky mateo bout ky coconut ..kc ba naman si maja makati guro ang kanya kaya hayon ..wahahah kng matino ba naman sya dapat dna sya msyadong nkipgclose ky coconut kc bf na pala nia si mateo kalurkey..parang gusto ata ung ping aagawan sya ng lahat ng guy pati ba naman bf ni toni idamay pa nya kapal fezz sya. tuloy nega dating nya ngayon ..sa loob pala ang kulo.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 76  redsand

    09/05/2011 | 01:55 PM
    If i were Mateyo dios ko po! ang daming babae dyan na KAYA kang ipaglaban at panindigan... wag mong ipilit ang sarili mo sa isang babae na hindi sigurado kung mahal ka nya o hindi. Dahil kung talgang mahal ka ni Maja IIWASAN NYA ANG TAONG PINAGSISILOSAN MO! At itong si BuCOCO pie naman alam nyang may BF itong si MAJAblanka hindi rin umiiwas. Makalagot mong duha oi!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 75  elenaleyah

    09/05/2011 | 01:54 PM
    i totally agree with StocksAndBonds! -------------------------------------- kung mahal talaga ni maja c matteo, dapat hndi na sya nakikipaglandian sa iba..yan tuloy ang napala nya. hindi kasi marunong makuntento sa isa.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

more comments

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About