Ayon sa personal manager and schedule master ni Nora Aunor na si Boy Palma, hindi ito ang unang pagkakataon na nagpakuha ng larawan ang Superstar na may hawak na sigarilyo.   "As for Guy, remember noon [mid-'90s], nagpakuha na rin siya ng litrato kay Jun de Leon na may hawak ding sigarilyo?"   The said photo was included in an exhibit and coffee table book featuring the Superstar and other celebrities photographed by Jun.

Photo: Noel Orsal

"Dati ko nang ginagawa yun. Bakit ngayon lang nila pinansin?" ang maikling pahayag ni Nora Aunor, nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong September 28, sa taping ng Sa Ngalan Ng Ina, sa Project 4, Quezon City.

Kaugnay ito sa naging komento ng running priest na si Fr. Robert Reyes sa litrato ni Nora Aunor, kung saan may hawak siyang sigarilyo sa cover ng October 2011 issue ng YES! magazine . 

Volunteer si Fr. Robert ng Philippine Medical Association (PMA), isa sa mga organisasyon sa bansa na sumusuporta sa "smoke-free Philippines."

Sa artikulo ni Erwin Santiago, associate editor ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), inilagay ang pahayag ng pari: "The Filipino reading public is not dumb. If you want to be popular again, be wholesome." (CLICK HERE to read related article)

Paniwala rin nito na ang naturang cover pictorial ay "lumilikha ng masamang imahe sa mga artista sa bansa."

Samantala, ang sagot naman ng editor-in-chief ng YES! magazine na si Ms. Jo-Ann Maglipon sa pagpuna sa naturang cover: "The cover photo best captures the iconic star as she is today."

May obserbasyon ang ibang taga-showbiz tungkol sa pagiging straightforward ng Superstar hindi lamang sa cover, kundi sa kabuuan ng artikulo, base sa exclusive interview ng YES! magazine.

Ayon pa kay Maglipon, "She [Nora] speaks out now, against perceived hurts, about her sexuality, about her children. She also smokes.

"This new openness is her chosen expression of who she is today, and that is the reason I chose that photograph. It captures her..."

May statement pa ang YES! editor-in-chief: "In a perfect world, we will not have anyone smoking or drinking or gambling or lying. Not just in magazines, but out there in the real world...

"But apart from being in an imperfect world, there is the very real concern with freedom of expression, which not even the most well-meaning advocates should trample on."

Dagdag pa ni Maglipon, ang pagpili ng larawan ay hindi nangangahulugang hindi siya naniniwala sa advocacy ng "smoke-free Philippines." Willing nga raw siyang tumulong dito, pero hinding-hindi siya papayag na diktahan ng anti-smoking advocates kung ano ang puwede at hindi puwedeng ilagay sa cover ng magazine.

MORE FROM THE SUPERSTAR'S CAMP. Kaugnay nito, may dagdag pang pahayag si Boy Palma, ang personal manager at schedule master ni Ms. Aunor.

Ani Palma, na nabasa na ang article na lumabas sa PEP, "Tama naman ang sinabi doon ni Jo-Ann Maglipon. Sinagot niya nang maayos ang issue.

"As for Guy, remember noon [mid-'90s], nagpakuha na rin siya ng litrato, kay Jun de Leon na may hawak ding sigarilyo?"