Andi Eigenmann has yet to forgive the father of her child: "But the only reason was because walang nanghihingi ng tawad sa akin."

Rose Garcia
Friday, January 27, 2012 @ 04:52PM  |  5645 views


  "I'm very much excited for the coming days. Yung magiging buhay ko. Excited na excited na 'kong talaga to go through it and this time, I'm going to be stronger," says Andi Eigenmann.

Photo By: Sany Chua













Sa isang buwan ay isisilang na ni Andi Eigenmann ang kanyang dinadala kung kaya't halatang-halata na ang paglaki ng kanyang tiyan.

Pero sa panayam ni Boy Abunda kay Andi sa The Buzz noong Linggo, October 9, kapansin-pansin ang kasiyahan ng young actress sa kanyang pagdadalang-tao.

Sa kabila ng mga pinagdaanan niya—pagbubuntis sa edad na 21 at pag-iwan sa kanya ng ama ng kanyang dinadala—saan ba hinuhugot ni Andi ang kasiyahan na yun?

Ayon sa Kapamilya actress, "You're supposed to be emotional because you're pregnant, [pero] mas naging masayahin pa ako ngayon dahil I was... bago, bago ako mabuntis. 

"Siguro kasi, dahil it served as an eye-opener to me. Na parang mas dapat, mas lalo pa akong makuntento kung ano ang meron ako.

"Na nandiyan ang pamilya ko. Marami akong kaibigan. Maraming nagmamahal sa akin at walang nawala."

May nadagdag, ayon naman kay Boy.

"Yes, exactly. May nadagdag pa," nakangiting pagsang-ayon ni Andi, na ang ibig niyang tukuyin ay ang kanyang parating na anak na babae.

COMING OUT. Buong tapang na hinarap ni Andi ang kanyang pagbubuntis at hindi niya itinago sa publiko. Sa pamamagitan ng kanyang ina na si Jaclyn Jose ay inamin nila sa publiko ang kanyang tunay na kalagayan. (CLICK HERE to read related story.)

Pero ano ang katotohanan sa likod ng kanyang pagbubuntis? Nahirapan ba siyang aminin ito?

"Simula noong lumabas sa news, when my mom [Jaclyn Jose] went out to the news to confirm that I am pregnant, siyempre, natakot ako.

"Natakot ako, kasi alam ko na marami na naman akong bagong ihaharap na, 'Naku, kailan ba matatapos lahat ng mga problema?'

"Natakot ako sa possible damage na magawa niya, if ever, like sa career ko.

"Sumunod na rin yung possible na masasama or nakakatakot na judgment na pwedeng maibigay sa akin ng mga tao because of this."

Ano ang pinaka-worst?

1  2  3  4  5  6  Next »

Related Articles

73 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name