features

GMA-7 PR officer: "There is no negotiation going on between GMA and Mr. Pangilinan regarding the latter's acquisition of GMA-7"; MVP keeps mum

by Joyce Jimenez posted on June 15, 2012  STATS: 2891 Views | 654 Comments

Manny Pangilinan (in photo), according to current business buzz, is negotiating with the big bosses of GMA-7 to buy the Kapuso network.

Photo By: Noel Orsal

Mainit na usap-usapan sa iba't ibang social networking sites ang balitang bibilhin ni businessman Manny Pangilinan ang GMA-7 Network.

Si Manny V. Pangilinan, o mas kilala bilang MVP, ang bumili noong nakaraang taon sa TV5, ang dating Associated Broadcasting Company (ABC 5), na pagmamay-ari ni Antonio "Tonyboy" Cojuangco.

Sinasabing may investments din si MVP sa ilan pang media establishments, gaya ng Philippine Star at Philippine Daily Inquirer.

At nito nga ay nababalitang gusto naman niyang bilhin ang Kapuso network, na sinasabing No. 1 or No. 2 television station ng bansa, depende sa kung sino ang nagbibidá.

Ang pinakamahigpit na kalaban ng Kapuso network (GMA-7) sa ratings at income ay ang Kapamilya network (ABS-CBN) ng mga Lopez. Ang Kapatid network (TV5) ay sinasabing third major player naman.

Ayon sa everythinginbudget.com, isang nagpapakilalang "marketing website," nakikipag-negosasyon sa kasalukuyan si MVP kina Atty. Felipe Gozon, GMA-7 chairman and CEO; Gilberto Duavit, Jr., GMA-7 president and COO; at Joel Marcelo Jimenez, GMA-7 board director.

Ito raw ay para bilhin ang GMA Network sa halagang "500 bilyong piso."

Gayunman, hindi pa raw natatapos ang negosasyon dahil ang ilang stockholders daw ay naghihintay ng mas maganda pang offer mula kay MVP.

Ayon naman sa sources ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), totoong may negosasyong nagaganap sa pagitan ni MVP at ng tatlong pamilyang may majority stocks sa GMA-7, ngunit di hamak daw na mas mababa ang offer sa table.

Nasa bilyones din daw ito, ngunit malayong-malayo raw sa 500 billion pesos.

RUFFA'S TWEETS. Tinatayang nagsimula ang usap-usapan nang mag-tweet sa kanyang Twitter account si Ruffa Gutierrez, isang TV5 talent, tungkol sa isang diumano'y "confirmed" property na bibilhin ni MVP.

Ayon sa kanyang post noong Disyembre 25, "Guess what MVP is buying next?? Found out last week through a little birdy but the few people I told didn't believe me. Now its CONFIRMEDDD."

Matapos ng post na ito'y wala nang sinabi tungkol sa isyu si Ruffa, hanggang sa kumalat na ang usap-usapan na ang Kapuso network ang binibiling property ni MVP.

Ngunit ngayong araw, Disyembre 27, bandang alas dos ng hapon, may pahabol si Ruffa sa pamamagitan muli ng Twitter, na wala raw siyang binanggit sa kung ano ang bibilhing property ni MVP.

Aniya, "READ my tweet again. I never confirmed what MVP is buying! Kaya sa mga assuming, don't put words in my mouth. Yes and that includes you!"

1  2  Next »

more on this story

RELATED ARTICLES

Show/Hide Comments

654 Comments

  • 194  eugeniogozon

    12/28/2011 | 10:17 AM
    ANC, together with MYX, will be available in free tv once maging digital na ang broadcasting. ABS-CBN can not afford to buy another frequency just to air another channel. Ang GMA News TV kasi nage-air sa frequency ng dating QTV na dating Zoe TV na pagmamay-ari ni Eddie Villanueva. Ang franchise ng frequency ng GMA News TV ay kay Eddie Villanueva. Hindi kayang pakawalan ng ABS-CBN ang Studio 23. Kaya mag-iiba talaga ang labanan kapag maging digital na ang TV.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 193  iam_brainful

    12/28/2011 | 10:15 AM
    Aminin na kase na palubog na ang gme. Kayo naman, hiya pa kayo. Napakapowerful talga ng ABSCBN, imagine, magsasanib pwersa mga pipitsuging networks laban sa ISA?!! harharhar! You cannot put a great and best network down!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 192  MarkLapid

    12/28/2011 | 10:14 AM
    Bakit bitter ang mga taga ABS CBN? Sino bang bibili sa ABS CBN na kumpanyang palugi? Inggit lang kayo. Ang number 1 ay GMA 7,natural lang na maraming magkakainteres dyan sa asensadong tv network. Ang pagkakaintindi ko, hindi naman ibenebenta ang GMA 7,may nagkakainterest na iba pero hanggang doon lang.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 191  eugeniogozon

    12/28/2011 | 10:09 AM
    Matagal nang kawawa ang mga Pilipino. Ang mga nakaupo sa pamahalaan ay oligarchs. Ang mga nagpapatakbo ng mga negosyo ay oligarchs. Ang kinikilala nating mga bayani ay kamag-anak ng oligarchs. Itong mga oligarchs gusto nilang manatiling mangmang ang mga Pilipino para mabilis magoyo at mapagkakitaan.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 190  camote_kaba

    12/28/2011 | 10:08 AM
    Their artists are chakas. Hahaha
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 189  alexangel

    12/28/2011 | 10:05 AM
    matalino ang gmanewstv kaya ginawang free tv. at ang content ay pang-matatalino din. nandiyan si jessica soho, mareng winnie, malou mangahas at ang buong pwersa ng news and current affairs. balanced ang news, well-researched ang documentaries at patas ang mga talk shows. in other words, may credibility. take that iambrainless. LOL!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 188  steelwings

    12/28/2011 | 10:01 AM
    Pansin nyo magcomment ang mga ABSCBN fans, parang mga kindergarten kung manukso, pwede bang magcomment kayo in a mature way? kaya kayo kinahihiya ng mga pinoy sa internet dahil immature kayo magcomment! pinagpipilitan nyong totoo ang hindi naman totoo! pinagpipilitan nyong credible ang tweet ni ruffa! hahahahh!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 187  steelwings

    12/28/2011 | 09:58 AM
    In fact MVP knows which company is profitable kaya target nya GMA7. Bakit naman papansinin ng isang businessman ang isang company na maraming pinagkakautangan at low rated mga shows di ba? MVP is doing everything to sneak a momentum for TV5. Kaya bitter bitteran ang mga ABSCBN fans na kesyo lugi daw GMA7, magbasa nga kayo ng financial status ng GMA7 at ABSCBN! Paniguradong MAPAPAHIYA ang mga ABSCBN fans sa pagtatanggol nila sa ABSCBN!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 186  camote_kaba

    12/28/2011 | 09:57 AM
    Pag natuloy ang merging it's gonna be exciting. Magsasanib puwersa ang mga taga Kamuning at taga Payatas. Tiyak na uulan na naman ng sardinas at noodles. Yahooo!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 185  napazu7

    12/28/2011 | 09:54 AM
    exciting ito kung matuloy, nakagawa ng de kalidad na movies ang GMA films via Jose Rizal at Muro Ami at ang T5 ay nakagawa ng Rosario. Pag nagsama sila malaki ang posibilidad na gumawa sila ng magaganda pang pelikula... Unlike kilig movies ng star cinema lol...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 184  steelwings

    12/28/2011 | 09:54 AM
    ABSCBN, POOR NETWORk... Basta we love TV5 and GMA7! Walang siraan ang mga fans! ABSCBN fans lang ang bitter sa internet! Pag daytime TV5 vs GMA7! Pag primetime, GMA7 lang ang bumabandera at ang nag iisang Budoy ng ABSCBN! hahahah!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 183  kaLUGI

    12/28/2011 | 09:53 AM
    matalino talaga na businessman si MVP, gusto niya bilhin ang GMA-7 maski hindi ETO binebenta. Alam niya kasi na SIKAT eto at MALAKI ang KITA. Alam niya rin na LAOS at LUBOG sa UTANG ang DOS kaya hindi niya PINAG-AAKSAYAHAN na BILHIN eto...ahihi
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 182  eugeniogozon

    12/28/2011 | 09:53 AM
    ABS-CBN, especially the shares held by the Lopezes, will not sell their stocks just to anyone. Malaki ang role ng media sa investments ng mga Lopez. Sila nga ang naglagay ng provision sa constitution na hindi pwedeng magkaroon ng foreign investments sa media kasi gusto nilang masolo ang operations ng TV and radio. Kasi once na magkaroon ng foreign investors sa media, mahihirapan ang mga Lopez na makipag-compete. If I know, may say ang mga Lopez sa pagbili ni MVP sa GMA kasi ang mangyayari, magiging dalawa nalang ulit ang major TV network sa PH. ABS-CBN wants to put down GMA by telling MVP to buy GMA7. Kung 500B ang bili ni MVP, 200B-300B manggagaling sa mga Lopez.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 181  iam_brainful

    12/28/2011 | 09:52 AM
    Ang ANC ay para sa mga classy at sosyal at itoy napapanood sa buong mundo hinde lamang sa Kamuning. Ang ANC ay tinitingala ng CNN, BBC, at ALJAZEERA kaya sa ANC kumukuha ng exclusive videos and news ang mga international news orgs at never sila kumukuha sa gme. Ang GMA news tv ay may MAHIWAGANG BAUL na programa sa umaga bwahahaha
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 180  napazu7

    12/28/2011 | 09:51 AM
    iam-brainful, baliw lang ang negosyanteng bibili ng kumpanya o stocks sa kumpanyang baon sa utang..lol... kaya nga nagsilayasan na jan cna Sharon, Nora, Aga, Dolphy, Maricel, Willie, Edu etc... at iba pang malalaking artista sa bansa...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 179  bhezt_08

    12/28/2011 | 09:48 AM
    Alam na alam ni MVP kung anong kumpanya ang may potential,. Bkt xa bibili ng kumpanya na di kumikita..? Logic nga naman.. Kung dummy lang c MVP,, nkakatakot naman para sa mga Pilipino kung gayon, dhl ibang bansa na ang nagmamay ari sa mga malalaking kumpanya d2 sa pinas.. Bandang huli, pilipino din ang kawawa.. Tayo ang mawawalan.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 178  eugeniogozon

    12/28/2011 | 09:47 AM
    Possible naman kasi na ang bibilhin ni MVP ay yung shares na hindi hawak ng mga Gozon. Public company kasi ang GMA, so malamang yung pagbili ni MVP ay tinatawag na investment. Pero dahil same industry ang GMA at TV5, and these are heavily regulated by the government, kailangan ipaalam sa public kung ano ang nangyayari. At kung alam ng public, gusto ni MVP na malaki ang share niya sa GMA kaya nakikipag-usap siya sa mga Gozon.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 177  napazu7

    12/28/2011 | 09:45 AM
    Kesa nga naman gumastos si MVP ng milyon sa TV5 na walang pumapasok ng endorsments e di bilhin na ang nag-iisang kumikitang TV station ng bansa...lol.. Inggit lalo dos nito...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 176  eugeniogozon

    12/28/2011 | 09:42 AM
    Siyempre nag-number 1 kagad ang GMA News TV kasi nasa free tv ito at Tagalog ang format. Ang ANC naman kasi ang target ay ang upper class kaya during lunchtime and nighttime ang palabas ay business news kasi during these times nakakanuod ng TV ang Filipino businessmen and industry players or investors. Magaling naman talaga ang GMA sa news kaya walang duda na marami palaging awards.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 175  iam_brainful

    12/28/2011 | 09:40 AM
    ABSCBN is one of the largest company in the whole wide world, hinde ito kayang bilhin na kahit sinong bilyonaryo sa mundo, kahit si Bill Gates or Oprah, hinde kayang bilhin ang ABSCBN, pero ang mga pipitsuging network gaya ng gme, kaya yan bilhin ni Julie's Bakeshop.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About