features

GMA-7 PR officer: "There is no negotiation going on between GMA and Mr. Pangilinan regarding the latter's acquisition of GMA-7"; MVP keeps mum

by Joyce Jimenez posted on June 15, 2012  STATS: 2892 Views | 654 Comments

Manny Pangilinan (in photo), according to current business buzz, is negotiating with the big bosses of GMA-7 to buy the Kapuso network.

Photo By: Noel Orsal

Mainit na usap-usapan sa iba't ibang social networking sites ang balitang bibilhin ni businessman Manny Pangilinan ang GMA-7 Network.

Si Manny V. Pangilinan, o mas kilala bilang MVP, ang bumili noong nakaraang taon sa TV5, ang dating Associated Broadcasting Company (ABC 5), na pagmamay-ari ni Antonio "Tonyboy" Cojuangco.

Sinasabing may investments din si MVP sa ilan pang media establishments, gaya ng Philippine Star at Philippine Daily Inquirer.

At nito nga ay nababalitang gusto naman niyang bilhin ang Kapuso network, na sinasabing No. 1 or No. 2 television station ng bansa, depende sa kung sino ang nagbibidá.

Ang pinakamahigpit na kalaban ng Kapuso network (GMA-7) sa ratings at income ay ang Kapamilya network (ABS-CBN) ng mga Lopez. Ang Kapatid network (TV5) ay sinasabing third major player naman.

Ayon sa everythinginbudget.com, isang nagpapakilalang "marketing website," nakikipag-negosasyon sa kasalukuyan si MVP kina Atty. Felipe Gozon, GMA-7 chairman and CEO; Gilberto Duavit, Jr., GMA-7 president and COO; at Joel Marcelo Jimenez, GMA-7 board director.

Ito raw ay para bilhin ang GMA Network sa halagang "500 bilyong piso."

Gayunman, hindi pa raw natatapos ang negosasyon dahil ang ilang stockholders daw ay naghihintay ng mas maganda pang offer mula kay MVP.

Ayon naman sa sources ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), totoong may negosasyong nagaganap sa pagitan ni MVP at ng tatlong pamilyang may majority stocks sa GMA-7, ngunit di hamak daw na mas mababa ang offer sa table.

Nasa bilyones din daw ito, ngunit malayong-malayo raw sa 500 billion pesos.

RUFFA'S TWEETS. Tinatayang nagsimula ang usap-usapan nang mag-tweet sa kanyang Twitter account si Ruffa Gutierrez, isang TV5 talent, tungkol sa isang diumano'y "confirmed" property na bibilhin ni MVP.

Ayon sa kanyang post noong Disyembre 25, "Guess what MVP is buying next?? Found out last week through a little birdy but the few people I told didn't believe me. Now its CONFIRMEDDD."

Matapos ng post na ito'y wala nang sinabi tungkol sa isyu si Ruffa, hanggang sa kumalat na ang usap-usapan na ang Kapuso network ang binibiling property ni MVP.

Ngunit ngayong araw, Disyembre 27, bandang alas dos ng hapon, may pahabol si Ruffa sa pamamagitan muli ng Twitter, na wala raw siyang binanggit sa kung ano ang bibilhing property ni MVP.

Aniya, "READ my tweet again. I never confirmed what MVP is buying! Kaya sa mga assuming, don't put words in my mouth. Yes and that includes you!"

1  2  Next »

more on this story

RELATED ARTICLES

Show/Hide Comments

654 Comments

  • 14  superbeki

    12/28/2011 | 12:33 AM
    wag na tayo magtaka sa yaman ni mvp. kanya smart tnt sun etc.. sa dame ng subscribers nun. araw araw milyones binibigay natin ke mvp... pasalmat sya saten.. hahahaha
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 13  dibalenalang

    12/28/2011 | 12:30 AM
    Looks like gma is making good, kung nag-o-offer so mvp to save tv5
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 12  superbeki

    12/28/2011 | 12:30 AM
    gustu nya bilhin gma, kc ilang years na mas mataas ang kita ng gma7 sa abs. pataas ng pataas kada taon.. kaya kahit magbayad kuno siya ng 500B ok lang un sa kanya.kasi nga naman mbabawi nya. but thank god hindi naman totoo. maaring oo gustu talaga ni mvp bilhin gma7. pero walang nangyareng meeting.. sa isip lang ni mvp gusut nya bilihin gma7... pero negative yan mangyare.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 11  rmel_peptalk

    12/28/2011 | 12:29 AM
    balita daw is ito ung hidden wealth na kinalat ni marcos sa iba't ibang banks worldwide....
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 10  superbeki

    12/28/2011 | 12:27 AM
    ornusa iba ang pagbili ni mvp sa tv5 dati, wala naman talaga tv5 nun. ang gma kaya nya balak bilhin kc number one na. pag pinagmerge nya tv5 at gma7 madadala tv5. mag isip ka iha.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • Ornusa

    12/28/2011 | 12:25 AM
    Superbeki eh kaya pala binili nya ang abc 5 ang tanong may nanonood ba dati dun? Lolz! Kaya nya bibilhin para buhayin hahaha!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • yaralei

    12/28/2011 | 12:21 AM
    bakit di na lang nya bilhin ang pilipinas para masaya ni Ropa, cristyevil, devillame etc
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • superbeki

    12/28/2011 | 12:17 AM
    ornusa, maayos ang shows ng gma. ndi mo ba naisip kaya binibili ni mvp ung gma7 kasi number one po gma. bibili ba yan ng nalulugi?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • olgodinero

    12/28/2011 | 12:15 AM
    hindi nalulugi at walang balak ibenta ng gma. ang market value ng gma ay 30 billion samantala rumor mvp offers 500 billions. almost200 increawse, wow!!kung ako ang mayari ng gma malaki pera at puede buhay hari na walang stress. siempre nakikita ni mvp may potential ang gma no debts. maari gusto ni mvp makamerge. magagganda ang show ng gma kaya no. 1 network sa pinas. hindi puede ang abacada dahil meyo lugi at walang potential ang investment gagawin ni mvp.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • Ornusa

    12/28/2011 | 12:03 AM
    Akala ko ba abs ang nalulugi? It seems gma ang nalulugi dahil binibili na ni mvp. Mas mabuti pa ngang ibenta ang gma kay mvp para naman umayos mga shows.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • PinkButterfly

    12/28/2011 | 12:01 AM
    where is mvp getting all his money???? sobrang rich naman nya... biruin mo kahit walang kwentang stars ang laki ng offers tapos di naman nagrerate ang mga shows... few weeks lang cancelled na agad ang shows... i hope he is getting good advice kc he is spending left and right... i think he should be active in getting good writers instead para may laban ang mga shows nila sa tv5...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About