Max Collins goes all-out beast mode in Bihag: "Todo sampalan, bugbugan..."

by Rommel Gonzales
Jun 2, 2019
Max Collins (right) and Bihag co-star Sophie Albert (middle) go all-out with their fight scenes as the gripping story continues to unfold.
PHOTO/S: Screen grab from Bihag / GMA-7

Patuloy na gumaganda ang kuwento ng Bihag at napupuri ang patuloy na pag-improve ng acting skills ni Max Collins dito.

“Oo, lumalaban na si Jessie,” bulalas ni Max na ang tinutukoy ay ang papel niya sa naturang GMA Afternoon Prime series.

Pero ayaw solohin ni Max ang credits sa kanilang serye.

Diin niya, “Team effort po talaga.

“Kasi hindi ko magagawa na maganda yung bawat eksena kung hindi dahil sa mga kasamahan ko, kasi ang gagaling nila.

“And everyone really worked so hard, so parang napu-push kaming lahat na galingan kasi nai-inspire kami sa isa’t isa.”

BUGBUGAN TO THE MAX

Ayon kay Max, totohanan ang sakitan nila ni Sophie Albert kaya maganda ang mga eksenang awayan nilang dalawa sa Bihag.

“Yes, totoo na, pareho kaming nasasaktan,” pag-amin niya.

At sa tanong namin kung ilang buhok na ang nalagas kay Max sa bawat pagsabunot sa kanya ni Sophie, natatawang sagot ng Kapuso actress, “Oh my gosh, marami!”

Continue reading below ↓

May mga pasa at galos din si Max dahil sa kanilang totohanang fight scenes sa show.

“'Tapos konting dugo, sa tenga, ganyan...

“Sa sampalan, may hikaw kasi ako. As in literal na nagdugo ang tenga ko!

“So ayun po, talagang all-out kami sa show na ito—sakitan, lumalaban nang totoo, na malakas.

“Tsaka si Sophie very game siya, cool siya.

“Kapag sobrang taas ng adrenaline, parang hindi mo mamamalayan na nagkakasakitan na kayo, kasi hindi mo mapi-feel until after, na makikita mo yung mga pasa, galos.

“So talagang todo sampalan kami, bugbugan...

“Para sa ratings, para sa ikagaganda ng show,” pagmamalaki niya.

Handa bang gawin ito ni Max kung sakaling may aagaw sa mister niyang si Pancho Magno sa totoong buhay?

“Sunog, susunugin ko siya! Try lang niya, try lang niya,” natatawa niyang banta.

Pero napaka-faithful na mister ni Pancho kay Max.

Continue reading below ↓

“Oo, good boy naman po siya,” paninigurado ni Max.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Max sa taping ng Bihag nitong Martes, May 28, sa Marina-Iloilo Oysters and Seafood restaurant sa Quezon City.

STILL NOT WATCHING PANCHO'S LOVE SCENES

Kinumpirma ni Max ang sinabi ni Pancho sa naunang interview niya (dito rin sa PEP) na hindi pinapanood ni Max ang intimate scenes ni Pancho kina Sanya Lopez at Kelly Day sa Dahil Sa Pag-ibig.

“Pero supportive naman ako sa kanya, siyempre.

“Pero sabi niya sa mommy ko, huwag siyang manood.

“Kasi sabi ko, si mommy na lang ang manonood para sa aming dalawa.

“Sabi niya, ‘Sabihin mo sa mommy mo huwag siyang manonood!’

“Kasi siguro love scene, kaya nakakailang,” pahabol ni Max.



Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Max Collins (right) and Bihag co-star Sophie Albert (middle) go all-out with their fight scenes as the gripping story continues to unfold.
PHOTO/S: Screen grab from Bihag / GMA-7
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results